Chapter 2

178 4 0
                                    

"You're supposed to be here by now, Jian. Bakit wala ka pa?" Tingin ng tingin sa orasan niya si Dylan.

Ang sabi kasi sa kanya ni Jiana ay may meeting sila sa Z-Pro, isa sa mga sikat na kompanya na nagpoproduce ng magaganda at bigating mga pelikula sa big screen.

"Where are you? Kanina pa kita hinihintay dito." Tinext n'ya ang dalaga.

Maya-maya ay nagbeep ang cellphone n'ya tanda na nagreply na agad si Jian. Ito lang at si Maeghan ang nakakaalam sa private number n'yang ito kaya sigurado siyang si Jian lang ang magtitext sa kanya. Aasa pa ba siyang nakasave pa din ang number niya sa phone ng ex n'yang si Maeghan? Eh halos lahat ng may kinalaman sa kanya ay nakabaon na yata sa limot o hindi kaya ay sinunog na nito.

"Ikaw na muna ang bahalang humarap kina Z. Kaya mo na 'yan. May inaasikaso lang akong mas mahalagang bagay. I'm on a meeting kaya ituturn off ko na ang phone ko. Bye. Take care, Dy."

Nailing siya sa reply nito pero wala siyang nagawa kundi ang pumasok na lamang sa building para kausapin ang producer.

"Grabeng babae talaga itong si Jian oh. Ni hindi nga ako inorient kung ano ang gagawin ko dito. Hay! May araw ka din sa akin... Ops!"

Kamuntikan ng matumba ang babaeng nakabangga niya. Sa cellphone pa kasi siya halos nakatingin kaya hindi niya napansin ang kasalubong. Mabuti na lamang at nahawakan niya ito bago pa ito bumagsak sa sahig.

"I'm sorry, Miss. Hindi kita napansin. Nabusy ako sa kakatext. Nasaktan ka ba?"

Chineck niya ang katawan ng babaeng nakabangga kung may galos ba ito pero nagtaka siya ng hindi manlang ito nagsalita. Doon na siya napatingin sa mukha nito.

"Meg..." Halos pabulong lang niyang sambit ng mapagsino ang kaharap.

"I'm definitely fine as you can see. Next time tumingin ka sa daan hindi sa cellphone."

Halos taasan siya nitong kilay. Ganoon pa man ay wala siyang halos nagagawa kundi titigan lang ito. Halos hindi na rin siya makapagsalita.

"I... I'm sorry, Meg."

"You have to. Anyways, have a nice day."

Tinalikuran lang siya nito basta.

"Sorry ulit. At gumanda ka lalo ngayon." Pahabol niyang salitang dito.

Nilingon siya nito saglit. Pero matiim siyang tinitigan nito.

"Sana lang huwag na mangyari ulit 'yon. At sana rin ito na ang huling pagkikita natin. And yes, maybe gumanda nga ako because i'm inspired with someone new. At siguro dahil nakamove on na ako sa lalaking walang ibang ginawa kundi ang pasakitan ako."

Ouch! That hurts. Alam niyang siya ang pinapatamaan nito.

Ngumiti siya ng mapakla at napatango-tango.

"Good to hear that you've already moved on, Meg..." aniya. "Sana ako rin. Sana makamove on na rin ako mula sa'yo. Kasi... hanggang ngayon, mahal pa rin kita." Gusto niyang idagdag ngunit pinigilan niya ang sarili.

"Ang swerte ng lalaking nagpapainspire sa'yo ngayon." Dagdag pa niya.

"Maybe he is. Pero mas maswerte ako...kasi alam kong hindi siya kagaya mo." Tinalikuran na siya nito ng tuluyan.

Pero nanatili ang mga huling salita ni Maeghan sa isip ni Dylan.

"Yeah! Maybe he is far better than me. Maybe he will love you far better than how I had loved you back then."

Napabuntong-hininga na lamang siya at nilalandas ang daan patungo sa office ng producer.

***
"No, Jian! Ayoko!"

I Love You, ExWhere stories live. Discover now