Chapter 30

71 3 0
                                    

"Tita, where's Meg?" Kaagad na tanong ni Slay sa kanya pagdating nito.

"I don't know. Nasa kwarto lang s'ya kanina. Pero ng icheck ko ulit, wala na. Hinahanap na s'ya nina Ken at ng asawa ko ngayon. Tulungan mo akong hanapin s'ya, Slay. Ibalik natin si Meaghan dito. Ibalik natin ang fiancé mo." Pagmamakaawa n'ya rito.

"Sige, Tita. Tutulungan kitang hanapin si Meg. Pero..."

"Pero?" Kunot-noo n'ya itong tinitigan. Hindi yata't may gusto itong sabihing importante sa kanya.

"Huwag po sana kayong magalit, Tita. Pero hindi ko po papakasalan si Maeghan. I'm sorry po." Napapakamot sa batok na sabi nito.

"What?!" Napataas ang boses n'ya sa tinuran nito.

"Tita, mali pong hadlangan ko ang kaligayahan ni Meg. Hindi po tamang ikulong ko s'ya sa kasalang pareho naming hindi gusto. I'm sorry, Tita. Isa pa, hmmm... Ako man ay may mahal din pong iba."

"What?!" Galit na aniya habang pabalik-balik ng lakad sa harap ni Slay. "Bakit hindi n'yo subukan, Slay? You know what? Ako din ay ipinakasal lamang ng mga magulang ko sa taong hindi ko gusto."

Tinitigan s'ya nito na wari'y nagdududa at hindi makapaniwala.

"Tama ang narinig mo, Slay. Ikinasal ako sa daddy ni Maeghan ng labag din sa loob ko. But look at me now, look at us, masaya na ako sa piling ni Ronie. I never thought i'd be this happy marrying him."

"Kaya po ipinipilit n'yo din kay Maeghan ang idea ng fixed marriage? Tita, can't you see? Nasasaktan n'yo lalo si Maeghan habang ipinipilit din n'yang labanan ang kagustuhan mo. Iba si Maeghan, Tita. She's willing to do everything para lang masunod ang gusto n'ya, na makuha ang kaligayahang nais n'ya kahit ikamatay pa n'ya ito. Hindi n'ya po deserve ang higpitan ng ganito. May sarili po s'yang isip at pagpapasya."

Tumaas ang kilay ni Irene sa narinig. "Sa tono ng pananalita mo, Slay, it's as if nagkausap na kayo ni Maeghan ah? Tama ba ako? Sagutin mo ako, Slay!"

Hindi ito sumagot at nanahimik lang. Tanda na tama ang himala n'ya.

"So, hindi ka nagpunta dito para tulungan ako sa paghahanap sa kanya? Naparito ka para siguraduhing hindi ko na hahadlangan ang kagagahan ng anak ko? I thought kakampi kita dito, Slay. Hindi pala! I thought naiiintindihan mo kung bakit ko ginagawa ito. Hindi rin pala! I want Maeghan to be happy. Ayokong saktan s'ya ulit ni Dylan."

"Hindi kasiyahan ang nakikita kong magiging resulta ng mga sugat sa kamay at paa ni Meg, Tita. Makakasuhan po kayo sa ginagawa n'yo. Malaki na si Maeghan at marunong na s'yang mag-isip para sa sarili n'ya. Hayaan n'yo nalang po s'ya. Kailan man wala pong nagiging masaya sa pilit, Tita."

"No! Wala kang karapatang panghinasukan ang buhay ay desisyon ko para sa mga anak ko, Slay! Now, kung wala kang sasabihing matino at hindi mo rin ako sasamahan kung nasaan si Maeghan, mabuti pang umalis ka na! You won't marry her? Fine! Naghahanap ako ng ibang ipapakasal sa kanya, huwag lang ang Dylan na 'yon! Tabi d'yan!"

Hinawi n'ya si Slay. Naiiling nalang na tinanaw s'ya ng binata habang papalayo s'ya.

"Mas mabuti pang ako na lang ang maghanap kay Maeghan kaysa umasa ako sa walang kwentang lalaking 'yon. Ibabalik ko dito si Maeghan at ikakasal s'ya sa lalaking nagugustuhan ko kahit ayaw pa n'ya!"

Agad na pinaharurot ni Irene ang sariling kotse para hanapin si Maeghan.

Nilibot n'ya ang buong subdivision, pinuntahan ang ilang malalapit nitong kaibigan at pinuntahan ang mga lugar na madalas nitong tambayan, pero wala. Wala ni anino ni Meg sa mga lugar na iyon.

"Where are you possibly hiding, Maeghan?"

Saktong napadaan s'ya malapit sa subdivision na tinitirhan ni Dylan.

"Ghad! Bakit hindi ko ba agad naisip na possibleng dito ang punta n'ya? Siguradong pupuntahan n'ya ang hinayupak na 'yon!"

Agad n'yang sinubukang pasukin ang subdivision pero hinarang s'ya ng mga gwardiya. Exclusive at private ang subdivision kaya walang pwedeng pumasok na hindi home residente, unless requested and granted by the home owners. Kaya wala s'yang nagawa kundi ang mapamura na lamang at lisanin ang lugar.

"Kung andyan ang mga anak kong mga hinayupak kayo at itinatago lang ng pesteng Dylan Ventura na 'yan, pati kayo mananagot sa akin!" Banta n'ya bago lisanin ang lugar.

Galit na galit na pinatakbo n'ya ang kotse para lang mabilis na mapapreno ng makita sa side mirror ang isang pamilyar na pigura.

"Maeghan?" Binuksan pa n'ya ang bintana at nilingon ang naglalakad sa medyo madilim na bahagi ng daan sa may di kalayuan. Papalapit palang sa entrance ng subdivision ang dalaga.

Napangisi si Irene. "Akalain mo nga naman. Mas nauna pa akong nakarating dito. Siniswerte pa din ako." Sabi n'ya sabay dahan dahan inatras ang kotse patungo sa direksyong kinaroroonan ni Meg.

Nilingon n'ya muna sa tabi n'ya ang lubid na s'yang itatali n'ya kapag nahuli n'ya ulit ang dalaga.

Nakangiting ibinalik n'ya ang paningin sa rearview para icheck kung naroroon pa din ang dalaga pero ...

"Maeghan! No! Meg!" Napasigaw s'ya sabay preno ng makita ang paghagibis ng isang itim na kotse at pagbangga sa naglalakad na dalaga.

Hindi s'ya kaagad nakakilos at nakatulala lang sa nasaksihang pangyayari kahit pa dumaan na sa tabi n'ya ang humaharurot na kotseng bumangga sa anak n'ya.

Hindi na n'ya nakita ang plate number ng kotse matapos makalayo na ito at lamunin ng kadiliman ng gabi.

"Maeghan! Baby ko!" Agad n'yang tinakbo ang anak na nakahandusay na sa kalsada.

Agad n'yang dinaluhan ang anak para siguraduhin ang kalagayan nito. Halos panawan na s'ya ng ulirat ng makita ang duguan nitong mukha at baling tuhod na siguradong nagulungan pa ng kotseng bumangga dito.

"Meg! Meg! Anak, gising! Baby, gumising ka please!" Tinapik-tapik n'ya ang duguang mukha ng anak.

"Help! Please help us!"

Sigaw n'ya sa mangilan-ngilang dumadaang sasakyan na kung hindi mamamansin ay hihinto man o makikiusyoso lang at kapag nakita ang duguang dalaga ay kaagad na tatalils palayo.

"Tulong!" Umiiyak na aniya.

"Mom?" Paos at nanghihinang tinig ang narinig n'ya mula kay Maeghan.

"Anak?" Agad naman n'ya itong nilapitan.

"I... I'm sorry for being ha...hard-headed, mom. I...I didn't mean to. I..." Pautal-utal na sabi nito habang unti-unting lumalabas ang dugo mula sa kaniyang bibig.

"Shhh! Baby, everything will be alright. Save your energy ha? Sandali nalang, makakahanap din tayo ng tulong. Just please live baby. Sorry sa nagawa ko. I'm sorry, Maeghan." Kinandong n'ya ang duguang anak.

"Tulong! Tulungan n'yo kami!" Sigaw n'ya.

"Maeghan, baby. Huwag mong iwan si Mommy ha? Ikakasal pa kayo ni Dylan, 'di ba gusto mo 'yon?" Aniya habang pilit na ngumingiti.

Alam n'yang isa s'ya sa may kasalanan kung bakit nangyari ito sa anak.

"Mom, so..rry po. I'm sorry, mom...mmy."

Pilit pa nitong hinawakan ang kan'yang pisngi, saglit na hinaplos ito bago tuluyang bumagsak ang kamay at ipinikit ang mga mata.

"Maeghan!" Sigaw ni Irene habang yakap ang anak.

I Love You, ExNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ