Chapter 33

139 4 0
                                    

(Knock! Knock!)

Dinig niya ang katok ng kung sinumang nangungulit sa labas ng kwarto n'ya. Palakas ng palakas at wari'y nagmamadali ang tono ng katok.

Ngunit wala s'yang balak na pagbuksan ito ng pinto. Wala s'yang balak na gumalaw mula sa pagkakasalampak at pagkakayuko sa gilid ng kama.

Maya-maya ay tumunog ang susian at bahagyang bumukas ang pintuan. Pumasok ang kaunting liwanag sa madilim na kwarto kasabay ng pagpasok ng isang bulto ng lalaki. Mayamaya ay sumarado na ang pintuan pero batid n'yang nasa loob ng kwarto ang kanina'y kumakatok lamang sa labasan.

"Ganoon mo ba s'ya kamahal para gawing kriminal ang sarili mo?" Pambungad na tanong nito.

Kasabay ng buntong-hininga ng lalaki ay ang panginginig ng katawan n'yang hindi mawari kung gaano katindi ang takot na nararamdaman sa mga oras na ito.

Alam na nila. Alam na kasi nito. Hindi pwedeng hindi. Wala kasing sekretong hindi nabubunyag.

"Sagutin mo ako, Jiana! Bakit mo sinagasaan si Maeghan? Ganoon mo ba talaga kamahal si Dylan para pumatay ng tao? Pumatay ng walang kalaban-laban?!" Singhal nito sa kadiliman.

Nagsimula ng umagos ang luha ng dalagang takot sa kahihinatnan ng nagawang pagkakamali.

"Damn it, Jian! How can I..."

"Nakita ko kayo mula sa malayo. She hugged you. Ang saya n'ya habang nakayakap sa'yo. Ikaw man ay gumanti ng yakap. Nainggit ako. Sigurado kong matutuloy na ang kasal n'yo. Wala manlang nagawa ang duwag na kagaya ko para ipaglaban ang taong mahal ko." Mahinang usal n'ya.

"Ano bang pinagsasabi mo, Jiana? Kung magpapakasal nga kami, hindi ba dapat matuwa ka? Kasi mapapasa'yo na si Dylan. Ganyan mo ba talaga s'ya kamahal? Na kahit kalayaan mo handa mong isuko para lamang sa lintik mong pagmamahal sa kanya? Kung ayaw mo talagang matuloy ang kasal namin ni Maeghan, sana ako nalang, Jiana! Sana ako nalang ang sinagasaan mo!" Narinig n'ya ang paglagabog ng kung ano sa loob ng kwarto. Siguradong may ibinato ito tanda ng sobrang galit.

"How could I possibly do that to the man I secretly love?! Sige nga, Slay. Tell me! Paano kita sasaktan gayong mahal na mahal kita?! Tell me!"

Natahimik ang lalaki. Wari'y inaabsorb ng utak ang mga salitang tinuran n'ya.

"Yeah! Tanga ako, Slay. Matagal na akong palihim na nagpapakatanga sa kagaya mo. Ginusto mong maglaro tayo, pero ayoko. Nagalit ka. Nilayuan mo ako. Tama lang 'yon. Hindi ko kayang makipaglaro sa'yo kasi noon pa man, mahal na mahal na kita, Slay! Mahal na mahal kitang gago ka!" Huminga s'ya ng malalim at pinahid ang luha.

"But, hindi kita sinisisi sa ginawa ko. Nahaluan ng selos at galit ang lasing kong diwa. Hindi ko napigilan ang sarili. Sinagasaan ko s'ya. Wala akong pakialam basta't maiganti ko lang ang nasugatan kong puso. Pati na rin ang sa bestfriend ko. Pero ng makita kong duguan na s'ya natakot ako. Nagising ako sa kagagahan ko. Hindi pala s'ya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako. Ako! Ako mismo ang may gawa nito sa sarili ko! Duwag kasi ako! Hindi ko kayang sabihin sa'yo ang totoo kong damdamin. Natakot akong pagtawanan mo. Natakot akong kaawaan mo. Natakot akong maiturn down mo. Mahina ako, Slay."

"I should have known, Jiana."

"Sana... Pero hindi ko kaya. Wala akong lakas ng loob. At dahil sa kaduwagan ko, nakapatay pa ako ng tao." Humagulgol si Jian dahil sa pagsisisi.

Nakarinig sila ng mga serena ng patrol car sa ibaba.

Tumayo si Jian at pinahid ang luha. Nilampasan n'ya si Slay at binuksan ang pinto.

"Hindi ka lalabas. Dito ka lang sa kwarto." Utos nito na ikinatigil n'ya sa paghakbang.

"Hindi, Slay. Kailangan kong pagbayaran ang nagawa kong pagkakamali. If it'll take me a lifetime para lang mapagdusahan ang ginawa kong kasalanan so be it. Hayaan mo na ako."

I Love You, ExDove le storie prendono vita. Scoprilo ora