Chapter 19

76 4 0
                                    

"Jian!"

"Slay!"

"Nasaan kayo?"

"Nandito ba kayo?"

"Jiana!"

"Slay!"

Mga sigaw na umalingawngaw sa katahimikan ng dapit-hapon.

"Slay! Gising! Bilis! Umalis na tayo dito!" niyugyog n'ya ng niyugyog ang binata na nakahiga sa ugat ng malaking puno ng narra.

"Hmmm... Una ka na. Susunod ako." Sagot nito tapos naghihilik na naman.

"Ah ganoon ah?! Ayaw mong gumising ah?!"

Naghanap s'ya ng pwedeng ipanggising dito. Nakakita s'ya ng palaka sa malapit.

"Ulk!" Akmang maduduwal s'ya ng makita ang palaka. "Hinding-hindi na talaga ako kakain ng palaka ever! Kahit pa lasang manok talaga s'ya at masarap din. Pero palaka talaga s'ya sa itsura! Gross!"

Nandidiri man, sinubukan pa rin n'yang hulihin ang palaka pero ng hindi n'ya nahuli ay iyong maliit na bayawak na nasa may puno na lamang ang hinuli n'ya.

"Tingnan lang natin kung hindi ka pa magising dahil dito." nakangising aniya.

Ibinitin n'ya ang bayawak at ipinasok sa shorts ni Slay.

"Hmmm... Hindi ka na ba talaga makapaghintay? Kamay mo ba 'to, Jia? Pero bakit ang lamig?" Nakapikit na kinapa ni Slay ang kung anumang bagay na ipinasok ni Jian sa shorts nito.

"What the fvck!" Kaagad naman itong dumilat at tumayo. Lumundag-lundag habang ipinapagpag ang shorts.

"Ano? Tutulog ka pa?" Mapang-uyam na tanong ni Jiana dito. "Sinasabing mag..."

"Thank God your okay!"

"Patay!" Bulong ni Jian. "Ang bagal-bagal kasi..." napapalatak na aniya.

Paano pa silang magtatago at lalayo gayong nakita na sila ni Meg at Dylan?

"Jian! Okay ka lang ba? Nag-alala ako sa'yo. Kamusta? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Dylan habang papalapit sa kinaroroonan nila.

"Tss! Kaya naman pala ginigising ako. Andito na pala ang superhero n'ya." Narinig n'yang bulong ni Slay.

"What? I'm just waking you up para makaalis na tay..." akmang mag-eexplain s'ya kay Slay ng niyakap s'ya ni Dylan ng mahigpit kaya hindi na n'ya naituloy ang sinasabi.

"Thank God your safe, Jian. Akala ko ano na ang nangyari. Narinig kasi namin ang sigaw mo."

"Tss!" ani Slay na sa inis ay nilapitan si Meg.

"Okay lang ako, Dy." sagot n'ya habang pinipilit kumalas dito.

"Okay ka lang, Meg? Pasensya na at iniwan kita kasama si Dylan ha?" Nakita n'yang niyakap nito si Maeghan na agad namang gumanti ng yakap dito.

"Sonofabitch! Nakita lang si Maeghan naglandi na naman. Samantalang inoffer ko na nga ang katawan ko kapalit ng paglayo namin kila Dylan, 'di naman ako pinatulan."

"Okay ka lang ba, Meg? Gutom ka na ba? Gusto mo bang ihanap kita ng makakain?" Tanong ulit ni Slay kay Maeghan.

"Damn you, Slay! Ako itong nagpapahanap sa'yo ng matinong pagkain dahil nagugutom na ako, ahas at palaka nga pinakain mo. Ngayon mag-ooffer ka ng ganyan kay Maeghan? Ang unfair mo!" Halos patayin na n'ya si Slay sa masasakit na titig.

"Oo naman, Slay. I'm fine, busog ako. Kumain kami ni Dylan ng buko." nginitian nito si Slay.

"Ngingiti-ngiti ka pang bruha ka d'yan. Alam mo namang nasasaktan ang bestfriend ko sa pakikipaglapit mo kay Slay tapos parang baliwala lang sa'yo! Nakikipaglampungan ka pa sa harap n'ya. Makikita mo't makakatikim ka sa akin mamaya." matalim na titig na rin ang ipinukol n'ya kay Maeghan.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now