Chapter 5

80 4 0
                                    

"What's this?" Tanong ni Dylan kay Jian habang sinisipat ang sobreng ibinigay nito.

"Why don't you open it? Lahat nalang ba iaasa mo sa'kin, Dy?" sabi ni Jian habang hinihilot ang sintido.

"May dalaw ka siguro? Ang sungit mo naman."

"Masakit lang ulo ko. May hangover ako kaya kung ayaw mong masapak 'wag kang ano d'yan. Buksan mo na nga lang 'yan."

"Hangover? Eh nakadalawang bote ng san mig light ka lang? Saan ka uminom ha? Sino'ng kasama mo? Kaya pala ang aga mo akong iniwan. Ganyan ba ang mahal? Hanggang salita lang?" pang-aasar niya dito.

"Heh! Huwag mo akong simulan kung ayaw mong mabanatan. Kung ganyan nga ako 'wag kang gumaya. Huwag mong hayaang hanggang salita ka lang." Balik-asar nito.

"Tss! Sabi na nga ba. Sa akin din mapupunta ang usapan. Mabuksan na nga lang ito."

Tumambad sa kanya ang isang plane ticket papuntang Batanes. Sinipat niyang mabuti ang pangalan at hindi nga siya namamalikmata. Kanya ang ticket na 'yon.

"Why do I need to go to Batanes, Jian?" kunot-noong tanong niya dito.

"Aba itanong mo kay Z. Sa kanya nanggaling ang ticket na 'yan. Ang sabi ibigay ko lang sa'yo 'yan, tulungan ka sa pag-iimpake at siguruhing makasakay ka ng eroplano patungong Batanes." nakangising anito.

"What the fvck! Are you kidding me? Paano ang business ko dito? Ang career ko? Ang scheduled meetings ko?"

"Reasons, Dylan. Hindi ka na makakatanggi. Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan. Ako na ang bahala sa lahat. As if hindi ko ginagawang saluhin ka sa meetings at appointments mo noon. Takot ka bang bumalik sa lugar na 'yon?" Lalo itong napangisi ng malapad.

"You knew that, that place is so memorable to me. It'll bring back not only memories but pains."

How will he ever forget the place? Doon sila unang bumyahe ng magkasama ni Maeghan. Doon na rin siya sinagot nito.

"I know." Nginitian siya nito saka kinindatan.

"Witch! You planned all these! Hindi ko talaga alam kung kaibigan ba kita o lihim na kaaway." sinamaan niya ito ng tingin.

"Tama lang na balikan mo ang nakaraan, Dylan. Nang sa gayon ay magising ka sa katotohanang tapos na kayo, wala na kayo, at nag-iisa ka na. Single ka na ulit at hindi mo na obligasyon pang sundan siya, intindihin at isipin pa." Anito bago nagmartsa palabas ng opisina niya.

"Jian!" tawag niya dito.

Sumilip naman ito ulit sa pintuang nilabasan.

"Kung may sasabihin ka, sarilinin mo nalang. Masakit talaga ang ulo ko kaya ayokong makipag-argumento. Pack your things and be ready for your flight tomorrow kung ayaw mong ibalibag ko lahat ng gamit mo kasama ka sa eroplano." sabi nito sabay suot ng sunglasses niya at tuluyan nang tumalikod.

"Hay!" Napailing nalang si Dylan. "Ano pa nga ba? Kagaya ng dati. Wala na naman akong sinabi. Lagi nalang siya ang nasusunod."

***
Wala nang nangyaring balibagan sapagkat naging goodboy si Dylan. Nag-empake kagaya ng utos ni Jiana at mas maaga pa sa inaasahang oras siya dumating sa airport kaya nauna rin siyang nakapasok sa eroplano ng sabihing pwede na silang pumasok. Hindi na siya nag-abala pang hintayin si Jian sapagkat pwede naman niya itong tawagan pagdating niya sa Batanes.

"Excuse me..." Boses ng isang babae ang nagdilat sa akmang iidlip na si Dylan.

Nilingon niya ang upuan malapit sa bintana bago napagtantong dadaan ang babae at uupo sa tabi niya.

"Sorry..." hindi na siya nag-abala pang tingalain ito.

Iniusog niya ang paa para makadaan ito. Hindi niya napigilang mapatingin sa maputing legs nito ng mapadaan ito sa mismong harapan niya.

"May pagkabastos ka rin eh no?" pagalit na untag ng babae sa kanya.

"Huh?! Ano'ng sinasabi mo, miss?"

Kapwa sila napatingin sa isa't isa at kapwa din nagulat ng mapagsino ang kaharap.

"Maeghan..."

"Dylan..."

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Magkapanabay nilang tanong.

"Huwag mong sabihing pa-Batanes ka rin?" sabay ulit sila.

"Si Z!"

Napabuntong-hininga at napakamot sa batok si Dylan.

"Ito ba ang plano ninyo ni Z, Jian? Humanda ka sa'kin pag-uwi ko." naisa-isip niya.

"Excuse me!" Pagalit na turan ni Meg.

Napatingala si Dylan at mabilis na inusog ulit ang paa para makadaan ito.

"Saan ka pupunta, Meg?" hindi mapigilang maitanong ni Dylan sa dalaga.

"Lalabas! Bababa ng eroplano at isasampal sa mga pagmumukha n'yo ang kontrata! You planned all these para pasakitan ako ulit. All I wanna do is focus on my career and not be haunted again with my damn past! I'm so over you!"

Nilagpasan siya nito. Nahampas pa siya ng dala nitong backpack.

"Aww!" Angal niya.

Nilingon siya nito. "Masakit na 'yon? Eh paano nalang 'yong pananakit na ginawa mo sa'kin? Hah! Sabagay manhid ka naman. Wala ka nga palang puso!"

Iniwan siya nito at wala siyang nagawa kundi ang tanawin na lamang itong maglakad pabalik sa pinto ng eroplano.

Naiiling na nagsuot ng headphones.

"Mas mabuti ngang bumaba ka nalang at umiwas kaysa tinatarak akong paulit-ulit n'yang masasakit mong mga salita, Meg." pumikit na lamang siya para umidlip.

"Hmp!" Maya-maya ay tinamaan na naman siya ng bag at lumundo ang katabing upuan niya.

Napamulat siya at nakitang nakabusangot sa tabi niya ang nakahalukipkip na si Maeghan.

"Maawa ka naman sa mga uupo pa d'yan. Parang sisirain mo naman 'yang upuan. Bumigat ka na yata simula ng naghiwalay tayo? Akalain mong nauga mo pa ang upuan ng eroplano? Hanep! Napabalik ka?" Nginisihan n'ya ito. Hindi n'ya mapigilang asarin ito sa haba ng nguso nito. Alam n'yang inis na inis na ito.

"Peste! Aalis na ang eroplano! Napagpagsarhan na ako ng pinto. Kung alam ko lang na andito din ang animal na 'to hindi na sana ako tumuloy. " Dinig niyang bulong nito.

"Don't talk to me! " singhal nito sa kanya.

"Paanong hindi kita kakausapin eh partners tayo sa proyekto?"

"Ah! Basta 'wag mo akong kausapin. Gawin mo ang parte mo at gagawin ko ang akin!"

"Paano ko naman gagawin ang mga kanta kung hindi ko alam ang content ng istorya."

"Maghintay ka! Pagdating na pagdating ng Batanes gagawin ko kaagad 'yon at ng makauwi na ako. Huwag mo nalang akong kausapin. Ni sabihing magkakilala tayo, 'wag na 'wag mong gagawin. Magpanggap tayong hindi magkakilala para matiis kong kasama kita sa iisang lugar! Dahil kung ako lang ang papipiliin? Talagang ayoko!"

Napakibit-balikat nalang si Dylan. Ano pa ba ang eeexpect mong ipakitang emosyon sa'yo ng ex mo? Bukod sa awkwardness ay eexpect mo na ang palaging pag-usok ng ilong nito sa'yo dahil sa galit.

"Okay. Masusunod po." sabi nalang niya.

"Sana naman matiis namin ang isa't isa hanggang matapos ang proyektong ito." dasal nalang ni Dylan.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now