Chapter 26

73 4 0
                                    

"I love you, Ex"

Chapter 26

"Mom, alis po muna ako." Nagmamadaling paalam ni Meg sa mama n'ya habang pababa s'ya ng hagdan.

"No! Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito." Nagulat si Meg ng bigla s'ya hilahin ng ina sa kamay dahilan para mapaupo s'ya sa sahig.

"Mom? Why? Bakit naman po kayo nanghihila? I need to go to Z. May meeting kami ngayon. Kailangan na rin naming simulan ang naantalang project dahil sa pagkakatrap naming sa isla." Sabi ni Meg sa ina sabay pagpag sa nadumihang damit matapos tumayo. Naiinis s'ya sa inaakto nito pero hindi n'ya magagawang labanan ito. Nirerespeto n'ya ang ina.

"I said no! Hindi ka aalis sa bahay na ito! Not until you're married to Slay!" Singhal ng ina sa kanya.

"Mom? Hindi ba sinabi ko na rin 'yan sa inyo? I'll never marry any other guy. I'll never get married if it's not Dylan. S'ya lang ang papakasalan ko mom at wala ng iba pa. Kaya please! Let me leave. Hinihintay na nila ako."

Akmang lalabas s'ya ng pintuan ng hawakan s'ya ng ina sa kamay. Naghilahan sila pero ewan ba n'ya kung saan humuhugot ng lakas ang ina sa sobrang lakas nito.

"Mom! Nasasaktan po ako."

Parang wala itong narinig at hinila nalang s'ya basta paakyat ng hagdan at pabalik ng kwarto n'ya. Hinila s'ya nito papasok at iniwan. Nilock nito ang pinto mula sa labas.

"Mom! Buksan mo 'to please! Let me leave! Please!" Sigaw n'ya habang pilit na binubuksan ang pintuan.

"No! Hindi! Hindi ka na makakalabas d'yan hanggang sa araw ng kasal mo! Huwag mo ng sayangin ang lakas mo, Meg!" Ganting sigaw ng mama n'ya mula sa labas ng pintuan.

"Mom! Hinihintay na nila ako doon!" sigaw n'ya habang pinupukpok ang pinto.

"Ako na ang bahalang magpunta. Ako na ang magsasabing kakalas ka na sa proyekto at humanap nalang sila ng ibang gagawa. Ang gawin mo ay maghanda para sa nalalapit mong kasal." sabi ng mama n'ya bago n'ya narinig ang papalayo nitong nga yabag.

"Hindi maaari 'to! Kailangan kong makaalis. Kailangan naming magkita ni Dylan." Aniya habang palakad-lakad sa loob ng kwarto.

Maya-maya ay naalala n'yang tawagan si Dylan. Umupo s'ya sa gilid ng kama at idinial ang number nito.

"Hello, Meg? The meeting is about to start. Nasaan ka na?" Agad nitong tanong matapos sagutin ang tawag n'ya.

"Nasa bahay. Hindi ako pinayagang makaalis ni mommy." Nahihikbing sumbong n'ya rito.

"Bakit daw?"

Hindi n'ya alam kung sasabihin n'ya rito ang tungkol sa plano ng mommy n'yang ipakasal s'ya kay Slay. Alam n'yang sobrang masasaktan si Dylan.

"Ewan... Dy, itakas mo ako dito. Kunin mo ako dito please!" pagmamakaawa n'ya.

"Relax, Meg. Papalabasin ka din ni Tita d'yan. I'm sure hindi ka n'ya matitiis. Kung ayaw ka talaga n'yang palabasin sa ngayon, eh 'di sasamahan nalang kita sa kwarto mo. Tatawagan kita at mag-uusap tayo hanggang sa magbago ang isip n'ya. Dito na muna ako sa kotse ko. Gusto mo bang kantahan nalang kita?"

Nagsimula ng bumukal ng luha ang kanyang nga mata. Gusto n'yang sabihin dito ang totoo pero ayaw n'yang masaktan si Dylan.

"Sige nga. Kantahan mo nga ako. Sobrang pilyo mo, alam mo ba 'yon? Ilang taon tayong naging magkasintahan pero ni hindi mo pinaalam sa akin na kumakanta ka pala and worst itinago mo pa sa akin na nagbabanda ka. Now, let me hear you. Kantahan mo ako hanggang sa magsawa ako, Dylan." Sumungaw ang pilit na ngiti sa kanyang labi habang unti-unting umaagos at nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

I Love You, ExWhere stories live. Discover now