Chapter 9

80 4 0
                                    

"Asar! Kainis talaga!"

Halos masipa na ni Dylan ang naroroong mga kasangkapan sa may garden ng hotel na tinutuluyan nila kung 'di lang talaga s'ya masisita at makakagawa ng eksena.

Inis na inis talaga s'ya kay Slay. Kahapon pa ito nawala sa isla pero ito pa rin ang bukambibig ni Meg.

"Kung bakit ba kasi dito din nagbakasyon ang taong 'yon. Ito namang si Maeghan niyaya pa ng date eh alam naman niyang nandito ako! Argh! Makakasapak talaga ako ng wala sa oras!"

Alam niyang talong-talo siya ni Slay ngayon. Bukod sa nakikita niyang interesado ito kay Meg at sa katotohanang lahat ng babaeng nagugustuhan nito ay nakukuha nito, nahahalata niya mismo kay Meg and curiosidad patungkol sa lalaki.

"Argh! Mababaliw ako nito. Ayokong makitang mapunta si Meg sa iba. Dapat akin pa rin siya. Akin lang." Naihilamos ni Dylan ang palad sa mukha n'ya.

"Looks like someone already knew what he really wants."

Napatingala si Dylan sa nagsasalita. "Jian..."

Nakangiting mukha into ang kanyang natingala. "Miss me?"
"Ba...bakit ka nandito?" Tanong niya dito.

"Ang sama mo naman. Wala bang welcoming hug d'yan?" Nakangising anito.

Kunot-noo naman niya itong tinitigan.

"Tss! Joke lang. Magkasama talaga dapat tayong pupunta dito. Ako kasi ang inatasan ni Z na magbantay sa inyo at ng wala kayong gawing kabulastugan at ikakasira n'yo dito sa Batanes. Kaso lang may inasikaso pa ako kaya nagpahuli na ako. Ano ba ang nangyari at nakalukot 'yang pogi mong pagmumukha?" Tanong ni Jian sa kanya habang tumatawa.

"Someone's taking her attention from me. Si Slay. Nandito din s'ya."

Biglang sumimangot si Jiana at hindi na ngumiti pa.

"Ah! We need to get off from here then. Sa isla nalang tayo ni Z. Doon tahimik n'yong magagawa ang storyline at ng makalayo na rin sa Slay Alejandro na 'yan."

Mahinang tumawa si Dylan. "Why do you hate him that much, Jian? Hindi ka naman inaano n'ong tao. Saka may private island naman pala si Z, bakit dito n'yo pa kami pinapunta?"

"Coz its a boat ride from here. Dito daw muna kayo pansamantala habang hindi pa n'ya nacocontact ang caretaker ng isla. Pero since andito na ako at nakapunta na kami ni Z doon noon, ako nalang ang personal na kakausap sa caretaker pagdating natin doon. At saka, huwag na nga nating pag-usapan si Slay. Mabubwisit lang ako. Where is she?"

Hinanap ng mga mata ni Jiana si Maeghan sa paligid.

"Nasa kwarto s'ya. She's sick."

"Bakit? Napaano ba siya?"

"High fever. Ikaw na ang kumausap regarding sa pagpunta natin sa isla."

"Ayiii! Nagseselos ang mama. 'Yan! Kasi ogag ka! Nasa iyo na nga, pinakawalan mo pa. Tanga!"
Napatakip ng tenga si Dylan. "Oo na! Ako na tanga! Tama na!"

"Tss! Makaalis na nga lang. Makakapatay ako ng tanga." Parinig nito sa kanya.

Naiiling na sinundan na lamang n'ya ng tingin si Jiana habang binabagtas ang daan papasok ng hotel.

Pinanood lamang n'ya ang paghampas ng alon sa dalampasigan.

Napabuntong-hininga siya at ninamnam ang lamig ng simoy ng hangin.

"Hmp!" Napabukas ng mata si Dylan ng padabog na umupo si Jian sa tabi n'ya.

"Ang bilis mo namang bumalik?"

"Paano eh nakasalubong ko ang hinayupak na Slay na 'yon kasama si Maeghan."

Napabalikwas ng tayo si Dylan sa narinig.

"Nasaan sila?"

Walang ganang inginuso ni Jian and matarik na batuhan.

"Papunta sa dakong iyon."
Walang pagdadalawang-isip na tinungo n'ya ang dakong 'yon.

"Hoy! Saan ka pupunta? Bumalik ka nga dito!" Pigil ni Jian sa kanya.

Hindi n'ya ito pinakinggan at dumiritso na sa pakay.

Nakita n'yang naglatag si Slay ng blanket at inilagay ang dala nitong picnic basket sa gitna bago inalalayan si Meg na maupo dito.

"How do you like it here, my princess?" Narinig n'yang tanong ni Slay kay Maeghan.

"Nice. Never experienced something like this before. This is so sweet of you, Slay." Nakita n'yang nginitian ito ng pagkatamis- tamis ni Meg.

"Sana para sa 'kin nalang ang mga ngiti mong 'yan, Meg."

He planned something like this for her before. Dito din mismo kung saan nakapwesto sina Slay at Meg ngayon. Kaso umulan ng panahong 'yon kaya breakfast-in-bed ang nangyari. Just like how he planned their relationship. He hoped for somewhat perfect but it turned out the opposite.

"Masakit ba ang makita s'yang masaya sa piling ng iba, Dylan?"
Nalingunan n'ya si Jian na kanina pa pala nakasunod sa kanya.

"Yeah. Hindi ko nakitang aabot kami sa ganito. Binigyan ko lang siya ng space para makapagfocus sa career n'ya pero hindi ko napaghandaang aabot sa ganito. Inaasahan kong pagkatapos ng lahat, magbabalik pa kami sa dati."

"Masakit ba ang umasa, Dylan? Hindi lang ikaw ang umasa noon. For sure mas umasa siya sa happy ever after n'yo kaya you have to bear with what's happening now. I guess dapat mo ng simulang tanggapin na may iba na siya at parte ka nalang ng nakaraan n'ya."

He stared at her. She seemed happy now. Hindi kagaya noong nakipagbreak s'ya rito. Sobra ang iyak ni Meg. Naglulumuhod pa ito and hardly begged for him to stay pero nagmatigas siya. Hinayaan niya ang sariling tiisin ito at hindi maawa kahit nakikita n'yang umiiyak ito ng sobra at nagmamamakaawa na huwag niya itong iwan kasi hindi nito kaya ng wala siya, na hindi nito kayang mag-isa.

Hindi na niya kayang pagmasdan ito na masaya sa piling ng iba kaya tumalikod na lamang siya para bumalik sa hotel.

Hindi pa man siya nakakalayo ay sinasal siya ng matinding ubo.
Ubo siya ng ubo kaya tinakpan n'ya ng panyo ang bibig para hindi marinig nina Slay at Meg.
Napasagap siya ng hangin matapos umayos ang pakiramdam n'ya.

"Hindi mo iniinom ang gamot mo?" Tanong ni Jian. Nakita n'ya ang pag-aalala said mukha nito ng lingunin n'ya.

"Anong gamot? Simpleng ubo lang 'yon. Dahil lang siguro sa lamig o natuyuan ng pawis." Aniya.

Hindi n'ya inexpect na aagawin nito ang panyong hawak niya.
"Makakapagsinungaling ka sa iba pero sa akin hindi." Itinaas pa into ang panyong may dugo niya.

"I hope I could live longer, Jian. Gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ako nagsisisi. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko s'ya kamahal bago manlang ako mawala sa mundong ito."

"Gago ka! Iiwan mo pa din naman bakit mo pa babalikan?!" Pagalit na anas ni Jian para hindi marinig nina Meg.

"Kasi gusto kong sumaya sa mga huling sandali ng buhay ko. Gusto kong kasama ko s'ya hanggang sa malagutan ako ng hininga."

I Love You, ExWhere stories live. Discover now