Chapter 37

4.4K 118 4
                                    

ANGELA'S POV

"Gel, ba't namumugto mata mo?" Usisa ni Bryan, sinalubong pa talaga ako nang tanong. Hindi ko siya pinansin at iniwasan na agad siya, dumiretso ako sa kumpulan nang mga team mates namin buti at hindi na sumunod ang Bryan na 'yon. Napasimangot ako nang mahagip nang paningin ko ang Captain Jerk, tsk, ba't hindi maipinta ang pagmumukha nang lalaking ito? At nakatulala pa. Tsk, bahala nga siya.

Pabagsak akong naupo sa bleacher malayo sa mga team mates habang inaantay ang pag-alis nang bus na sasakyan namin papunta sa pagtetrainingan namin.

Bakit kasi ang tagal, geeez, akala ko late na ako sa call time pero hindi pa pala, maghihintay pa pala kami.

Nagcross arm ako nang mapansin ang dalawang babae na nasa malayo na napasulyap lang sandali malamang sa kinaroroonan ko pero agad din nag-iwas nang tingin at umalis.

Talagang galit na galit sila sa akin, okay fine. Kung ayaw nila sa akin edi ayaw. Bahala sila sa buhay nila, ako pa talaga pagsasabihan nilang selfish? Ni hindi ko nga alam kung bakit ako naging selfish. Kung ang ibig sabihin nila ay itong pagsali ko at nag-aalala sila sa akin ay hindi naman sila dapat mag-alala, as always I said I am fine, I am fit and wala akong sakit bakit ba ang hilig nilang pagsisikan na may sakit ako? Bakit ba nagagalit sila? Ehh ako nga walang nararamdaman sila pa kaya? Katawan ko 'to alam ko kung may sakit ako o wala. Masyado lang silang praning.

"Hey." Napataas ang kaliwang kilay ko sa lumapit. Geeez, kukulitin ba niya ako tungkol sa date namin? Geeez, baka hindi ko na mapigilan at masipa ko siya. Wala akong mood sana lang maramdaman nila ang black aura ko, oh my gosh, ngayon palang naiirita na ako.

"Please Solyie, stay away from me." Mariing sabi ko tapos tinaas ko pa kamay ko para pigilan siya.

"Okay, for now pero I'm looking forward na mangyayari iyon one of this day kahit short time lang." Aniya, naparolled eyes lang ako sa sinabi niya. Short time huh? May nalalaman pang ganon.

"Okay fine. One of this day kaya makakaalis ka na." Aniko. Ngumiti pa siya bago lumayo sa akin.

I heave a sighed. Ayoko munang mag-isip nang mga bad vibes, mahabang biyahe ang mangyayari kapag bad vibes naku baka sirain ko pa ang bus. Tsk. Ano bang pinagsasabi ko, exaggerated much.

"Gel." Napakunot noo ko sa sigaw nang kung sino.

"Geeez, nagwawala ba si Aein?" Oo si Aein ang nagsisigaw at pangalan ko pa sinisigaw niya, anong problema nitong isang 'to? Nagtatakbo pa.

"Gel. Buti naabutan kita." Humahangos niyang sabi.

"Oh bakit? Talagang tumakbo ka pa. Ano bang kailangan mo?" Walang gana kong tanong.

Tumabi siya sa akin at ngumingiti.

"Bakit? Ano bang problema?" Kunot noo long tanong.

"Wala naman I just want to give you some foods, baka magutom ka ehh." Kumunot noo ko sa sinabi niya. Magutom? Anong akala niyang pupuntahan namin? Giyera na walang pagkain? At anong tingin niya sa akin? Walang pera? Geeez, kurutin ko 'to sa singit ehh malalaman niya.

"May pagkain don Aein, may pera din akong pambili. Nag-abala ka pa." Aniko.

Ngumiti lang siya at may sinenyasan sa malayo.

Napatingin naman ako sa sinenyasan niya, isang babae ang patakbong lumapit sa amin may bitbit na isang malaking paper bag, pamilyar ang babae sa akin, secretary nang SG, napatingin ako sa malaking papaer bag.

"Pabaon ko pala sa'yo, mga fruits ito exactly, para hindi ka mawalan nang resistensiya." Ani Aein na kinuha ang paper bag at binigay sa akin. Kinuha ko iyon at mabigat huh, sinilip ko ang laman. F*ck.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now