Chapter 73

3.5K 100 4
                                    

AEIN'S POV

"Pres, pasama mamaya huh." Kumunot noo ko sa sinabi ni Gessalie.

"Tsk, nakalimutan, libing nang papa ni Josh. Diba? " natigilan ako.

Oo nga pala ngayon pala 'yon.

"Nandoon na ata si Gel." Aniya. Alam ko, gustong-gusto ni Gel na tulungan ang pamilya nila Josh.

"Alam mo Pres nakakaawa si Gel." Napatitig ako sa kanya.

"Nabubully na siya dito sa school tapos sa classroom nila pinagtatanbuyan din siya. Aist, mga tao nga naman isyu pa din nila ang ginawa ni Gel kay Mr. Serano. Nagtataka nga din ako, bakit ganon ginawa ni Gel? Sinagot-sagot niya si Mr. Serano tapos nagmakaawa pa siya." Ani Gessalie. Napaiwas ako nang tingin.

Alam ko ang dahilan, hindi maiintindihan nang iba ang bagay na 'to dahil hindi nila alam ang totoo kaya hanggang di lumalabas kung sino si Angela sa mga Serano hindi titigil ang mga 'to sa pangbubully kay Angela.

Hindi ko alam kung anong reason ni Gel kung bakit ayaw niyang sabihin kung ano siya sabuhay nang may-ari nang school, ehh kung simula palang nagpakilala na siya edi hindi gagawin nang mga naririto ang ibully siya.

"Pres, may alam ka ba?" Napatayo ako.

"Wala, nagtataka din ako." Aniko lang. Hindi ko pwedeng ipagsabi ang nalalaman ko ayokong magalit si Angela sa akin. At isa pa wala akong karapatan na ipagkalat kung sino siya. I will let her tell it.

"Pres, hintayin mo ako huh? Sasama ako sa'yo mamaya." Ani Gessalie. Tumango lang ako at lumabas nang office.

Naglakad ako papunta sa cafeteria, nang pumasok ako may nakita ako na ikinatigil ko at ikinakunot nang noo ko.

Si Stanley, kasama nang team mates nila at nagkukwentuhan sila.

"Hi Pres." Bati nang isang nakaupo sa mesa. Tumango lang ako at ngumiti, muli kong binalik kina Stanley ang paningin ko. Bakit andito siya? Bakit hindi niya sinamahan si Gel?

Naglakad ako palapit sa kanila.

"Pres." Bati nang ibang kasama ni Stanley sa mesa, napatingin naman siya sa akin.

"Bro." Aniya. Tumango naman ako.

"Bakit andito ka?" Tanong ko pagkuwan. Kumunot noo niya.

"Pres okay ka lang?" Usisa ni Bernie sa akin. I heave a sighed. Mali pala tinanong ko.

"I mean kasi si Angela diba nasa bahay nila Josh bakit hindi mo siya sinamahan?" Paglilinaw ko.

"Josh? Sinong Josh?" Usisa ni Solyie.

"A kid we know. Kasama niya si Jane don." Turan ni Stanley.

"Hindi ka pupunta don? Diba ngayon libing nang papa ni Josh?" Nanlaki mga mata niya at biglang napatayo.

"Sh*t, hindi niya sinabi. Pupunta ka ba don?"

"Oo mamaya pa."

"Sige, mauuna na ako. kayo magpractice kayo." Aniya at binalingan niya muna mga katema nita bago mabilis na umalis.

Hindi sinabi ni Gel, bakit?

"Pres. Kaanu-ano ba nila ang Josh na 'yon?" Napatingin ako kay Solyie.

"Malapit sa kanila." Sagot ko lang. Nagsitango naman sila kaya nagpaalam na ako na mauuna na ako.

Umorder ako nang makakain ko tapos naupo sa dulong mesa. Nasa kalagitnaan na ako nang pagkain ko nang may marinig ako mula sa likurang mesa.

"Talaga? You confirmed it?" Kumunot noo ko, ang lakas nang boses, sinulyapan ko ang mga ito, napailing ako kaya naman pala ang grupo pala nila Cherry.

The FOOTBALL PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora