Chapter 117

2.9K 63 10
                                    

AEIN'S POV

"Alis na tayo." Ani Gessalie. Tumango naman ako. Sumakay kami nang kotse ko at di-nrive ito papunta sa bahay nila Angela.

I heave a sighed habang pinofucos sa daan ang paningin ko.

Hindi mawala sa isip ko ang kalagayan ni Angela, it was hard for her, sobrang bigat nang dinadala niya.

"Anong gagawin natin para mapagaan ang dinadala niya?" Anang Gessalie.

Napasulyap ako sa kanya.

"Wala tayong magagawa." Aniko.

"*sighed* Sabi ni Danila hindi na kumakain si Gel. Paano kapag nagkasakit siya nang ibang klase? Paano kung lumala ang sakit niya dahil hindi na siya umiinom nang gamot?"

"Ges, please. Huwag kang mag-isip nang ganyan." Aniko pero ang totoo pumapasok din iyan sa isip ko, ang magiging consequences nang ginagawa ni Gel sa sarili niya ngayon.

Two days na nang mamatay ang ina nila Rico, at sa loob nang two days na iyon lalong naging mahirap sa aming lahat na makausap si Gel, hindi na ito lumalabas nang kwarto niya, hindi na din tumatanggap nang pagkain, kahit pa sapilitang buksan ang kwarto niya hindi magawa dahil may nakaharang sa loob, wala na din itong kinakausap, sarado ang kurtina nang bintana niya, hindi din matawagan kahit mga social media account niya hindi na nagbubukas.

Kinulong niya ang sarili niya sa kwarto niya, mag-isa, sa madilim at pinapahirapan ang sarili sa gutom at pag-iyak.

Napahigpit ang paghawak ko sa manebila.

Wala na kaming imikan ni Gessalie hanggang sa makarating sa bahay nila Angela.

Pagbaba namin sinalubong kami ni Danila at Wency. Plano naming pumunta sa burol ni Tita, sa mommy nila Rico at napag-usapan naming sabay sabay kami nila Lola, sina Angela pero hindi namin alam kung sasabay nga si Gel, kung lalabas nga siya o magpapakita, sana nga sasama siya.

"Hindi niya kami sinasagot. Aalis tayo nang hindi siya sasama." Ani Wency.

Napabuga ako nang hangin.

"Susubukan ko." Aniko then pumasok sa mansion at diretso sa kwarto ni Angela.

I knock then call her name, walang sumagot, I still continue knocking and calling her pero walang sumasagot.

"Gel, it's Aein. I can help you ease the pain." Aniko pero ang totoo hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan.

I knock again.

"Gel open the door, let's talk."

"Tigilan mo na 'yan, hindi ka niya bubuksan, kung si Stanley nga di niya pinagbuksan o sinagot ikaw pa kaya?"

Napakuyom ako sa sinabi ni Jane. It hurts me, oo nga naman kung si Stanley nga hindi niya kinakausap ako pa kaya na kaibigan lang?

"Aalis na tayo." Ani Jane then umalis siya. Napabuga ako nang hangin.

"Gel please huwag mong pahirapan ang sarili mo. Huwag mong isisi sa sarili mo ang lahat. Andito kami para sa'yo." Aniko, naghintay pa ako nang ilang minuto pero walang sagot kaya umalis na lamang ako.

Hindi naman kami makakapag-isip na magpapakamatay siya dahil sinabi na ni Lola sa amin na hinding-hindi iyon magagawa ni Angela, takot iyon mamatay. Kaya kampante kami kahit papano, maliban na lamang kung lumala ang sakit niya.

"Hayaan niyo na muna siya, lalabas din 'yon." Ani Lola, tumango na lamang ako.

Bumiyahe na kami papunta sa burol ni Tita, tahimik ang loob nang kotse, kasama namin ni Gessalie sina Jane at Danila habang sa kotse naman nila Lola sina Wency at Nana.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon