Chapter 104

3.4K 88 8
                                    

ANGELA'S POV

Nakakainis talaga ang Jerk na 'yon. Sarap sipain. Pero geeez na miss ko din siya kaya hindi ko na din napigilan ang sarili kong bumigay. Ang nakakainis pa nakakandong pa ako sa kanya, grabe sarap lamunin nang lupa.

Wanna know why? Arrrggg, huwag na sobrang nakakainis, nakakaluka, na nakakabaliw.

Tsk, basta nakakainis siya, basta nakakainis sarili ko.

Napakunot noo ko nang parang gumagalaw ang paligid ko, parang lumilindol, sh*t nahihilo ako. Tumigil ako sa paglalakad at napahawak sa ulo ko habang pinipilig ito.

Ano na naman? Bakit? Aist. Akala ko okay na? Akala ko ba tuloy tuloy na paggaling ko?

I heave a sighed. Hindi pa pala tapos ang laban ko.

"Tsk, hindi pa kumakalahati nang taon, ano bang inaakala ko? Na simpleng sakit lang meron ako? Arrgh."

Nang maayos na paningin ko at hindi na ako nahihilo nagpatuloy ako sa paglalakad.

I heard someone calling my names pero hindi ko iyon pinapansin, I know his voice kaya alam kong siya iyon, ayokong lingunin siya, ayoko ding tumigil sa paglalakad dahil naiinis ako sa kanya. Tsk. Hindi ko maintindihan kung bakit may excitement akong nadarama sa gitna nang inis ko sa kanya. Aist, hindi maaaring mahulog na naman ako sa lalaking iyon. Ayoko na.

Dirediretso lang ako sa paglalakad pero I was stop walking when I saw two people standing not too far from me, staring at me. Bakit magkasama sila? Anong nangyayari? Anong meron?

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong mararamdaman ko sa mga oras na 'to, seeing the two people who ruin my life since I was born. The two person who abandoned me, the two person who leave me.

Napakuyom ako nang kamao ko, para na akong sinasaksak ngayon, hindi ko alam kung tatakbo ako palayo o dadaan sa harap nila at ipakitang ayos lang ako kahit sa totoo hindi naman.

Nag-iinit ang mga mata ko, gustong pumatak nang mga luha ko pero pipigilan ko, talagang pipigilan ko, dahil ayokong umiyak sa harap nila.

Hinding-hindi ako magpapakita nang kahinaan sa harap nila, hinding-hindi na ako magpapaawa pa.

Kita ko mula sa peripheral vision ko na lumalapit ang babae sa akin. Damn it, anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin?

Napahigpit ang pagkuyom ko nang kamao ko, alam kong ako naman talaga lalapitan niya, talagang sinama niya pa si Mr. Serano, bakit? Para ano? Para murahin ako? Para pagalitan?

"Gel." She call me, di ko siya sinulyapan, di ko siya pinansin, gustong gusto kong umalis pero geeez, bakit kasi hindi ko agad ginawa iyon kanina? Habang hindi pa siya nakakalapit sa akin.

"Gel, let's talk." Aniya, tiningnan ko siya nang nakakunot noo. Talk? May dapat bang pag-usapan?

"Andito din siya." Ngiting sabi nang babae tapos sinundan ko nang tingin ang nilingon niya. Si Mr. Serano ang tinutukoy niya.

So? Ano ngayon ang gusto nilang mangyari? Mag-uusap kami bilang isang pamilya? Para ano? Para mabuo kami? Kalukuhan.

"Gel." Napatingin ako sa kanya at agad na napaatras nang hawakan niya ako sa braso.

"Let's talk." Aniya talos nginitian ako. Walang emosyon ko siyang tinitigan, ni hindi ako umimik.

"Matagal pa ba kayo? Aalis na tayo." Napatingin ako kay Mr. Serano, naglalakad ito palapit sa amin, seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin.

"Angela halika na." Pagkuway aniya na walang emosyon ang boses.

Sa tingin nila sasama ako?

"Tara na." Tinabig ko kamay nang babae nang hawakan niya uli ako.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now