Chapter 130

3.2K 78 3
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Sandali asan nga pala sina Gel?" Usisa ni Bernie.

"Magkasama sila ni Stanley, hayaan niyo na muna sila, give them time to talk." Anang Wency tapos uminom nang wine.

"Oh, oo nga pala." Ani Bernie na ngumisi. Siniko naman ito ni Danila na katabi lang nito.

"Oras nila ngayon para pag-usapan ang sa kanila." Anang Danila naman.

"Alam niyo until now I can't still believe na andito na siya. Nabumalik na siya." Ani Gessalie na sumandal kay Bryan.

"Ai oo nga pala. Hoy Jane!" Sigaw ni Wency. Napatingin si Jane sa kanya, nasa iisang mesa lang sila, nila Aein, Nica, Gessalie, Bryan, Danila, Solyie, Bernie at Arvin. Natahimik naman ang lahat.

"Oh bakit?" Jane asked.

"May kasalanan ka, hindi mo sinabi sa amin na may communication pala kayo ni Angela." Nanggigil na sabi ni Wency.

Medyo napaatras nang ulo si Jane.

"Ai oo nga pala. Bakit mo iyon nagawa Jane?" Ani Danila naman.

"Wala siyang kasalanan." Napatingin ang lahat sa papalapit.

"Wesley, wala kang alam dito." Singhal ni Wency.

"Meron siyang alam infact he was the first who got a contact of Angela." Sabat ni Aein. Nagulat ang lahat.

"Tsss. Ako dapat magsasabi niyan, hindi ikaw." Anang Wesley na naupo sa tabi ni Nica.

"What? Ikaw? How?" Bulalas ni Wency.

"Mahabang kwento. Pero hindi na dapat isyu yan ngayon, andito na kaya si Gel." Sabat naman ni Arvin.

"Tsk, isa ka pa. May alam ka din ehh, tatlo kayong naglihim sa amin, para kaming mga sira sa kakahanap sa kanya, ang magkapatid na Serano halos nilibot na ang pilipinas at plano pang lumbas nang bansa para personal na hanapin si Gel, si Stanley na parang masisiraan nang bait." singhal ni Gessalie naman.

"Oo nga, tama si Ges." Ani Wency.

"Guys, it was Angela's want. Wala silang kasalanan. " sabat naman ni Nica.

Nagcross arm si Wency.

"Nakakainis, bakit kayo pa may alam. Kami itong malapit kay Gel at biruin mo nakatira sa iisang bahay noon pero kami pa 'tong huling nakaalam." Himutok ni Wency.

"Geeez, tama na nga iyan." Saway ni Solyie dito. Nagkatinginan naman sina Aein at Nica.

"Grabe pati ba naman iyan iisyuhan mo Wency. " anang Danila na iiling-iling.

"Ehh kasi naman nakakainis." Simangot pa nitong sabat.

"Solyie iyang girlfriend mo patigilin mo nga 'yan." Ani Bernie, sinamaan naman ito nang tingin ni Wency na nagtago naman sa likod ni Danila.

"Tsk. Ang iingay niyo, tapos na nga binabalik pa. Angela is here ano pang hinihimutok niyo." Iiling-iling na tumayo si Arvin.

"Oo nga tama naman siya. Tapos na iyon, ang importante ngayon is mag-enjoy." Ngising sabi ni Wesley.

Nagkibit-balikat lang ang iba.

Napatingin si Aein kay Jane nang bigla itong nagulat sa pagtunog nang phone.

"What happened?" Danila asked na nasa kabilang side.

Napatingin sa mga naroroon si Jane.

"They're coming here." Mahinang sabi ni Jane. Kumunot noo ni Wency, habang si Danila nakatitig dito, sina Aein at Nica nagtataka, sina Bernie, Solyie, Bryan at Wesley naghihintay lang at si Gessalie tahimik lang na nakamasid.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now