Chapter 105

3.5K 65 7
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Ano na Pres? Anong gagawin natin?" Natatakot na tanong ni Gessalie kay Aein.

Napabuga nang hangin si Aein.

"Haharapin ko 'to. Hindi ako magtatago, oo may kasalanan ako pero wala ito sa kasalanan nang g*gong iyon." Ani Aein.

"Si Cherry Alvio dapat magbabayad din siya." Ani Gessalie.

"Don't worry Ges, nasa plano na iyan."

Napaupo si Gessalie at tinitigan nang mabuti si Aein.

"What about the proof? Paano natin mapapatunayang magkasabwat sina Cherry at ang Wesley na iyon?" Tanong ni Gessalie.

Tumayo si Aein at tumingin sa bintana.

"Ako nang bahala don. May isa na akong proof. Dadagdagan na lang." Ani Aein.

"Pres sorry mas lalo tuloy napahamak ka dahil sa plinano ko." Hinging paumanhin ni Gessalie. Lumingon si Aein sa dalaga at nginitian.

"It was a good help Ges, kung di dahil sa nangyaring iyon hindi malalaman ni Mr. Serano ang ginawa kay Angela." Anang Aein.

Tumayo si Gessalie at lumapit sa bintana sa tabi ni Aein.

"It is true na anak ni Mr. Serano si Angela?" Usisa nito.

"Yeah, iyon ang totoo but Mr. Serano don't accept Angela as his daughter but in this case mukhang nagbabago na ang lahat." Sagot ni Aein.

"Matagal mo na bang alam ito?" Pagkuway tanong na naman ni Gessalie, napatingin si Aein dito.

"Oo, matagal na pero nililihim ko lang, masyadong kumplikado ang lahat pero ngayon heto na lumabas na ang totoo at paparami na nang paparami ang nakakaalam, at hindi mapagkakaila nang mga magulang ni Angela ang bagay na ito."

"Kaya pala ganon na lang ang mga nangyayari nung nagdaang araw. Si Angela anak sa labas ni Mr. Serano, at iyon ay sa ina ni Cherry. Kapatid ni Angela si Cherry sa ina at kapatid nang magkapatid na Serano si Angela. Geeez, parang sa teleserye lang." Sabi ni Gessalie.

"This is reality Ges, this true life, totoong buhay ito at si Angela ang bida, si Angela ang nagbibigay nang buhay sa kwentong ito." Anang Aein.

Napapalatak si Gessalie.

"Nagbibigay buhay sa puso mo. Tsk. Pres, hanggang kailan ka ba hindi kikilos diyan? Tsk, alam mo ba sinabi ni Wency si Bryan ayon nagpupumilit na lapitan at ligawan si Angela, ikaw hindi ka pa din ba kikilos? Baka maunahan ka." Gessalie said.

Napabuga nang hangin si Aein, napakuyom nang kamao.

"Pres, kumilos ka na bago ka uli unahan. Di ka pa ba nadala noon? Naunahan ka ni Stanley." Ani Gessalie.

"Pero hindi naman totoo 'yong sa kanila."

Napailing si Gessalie.

"Talaga? Bakit parang sobrang totoo mga kilos nila?" Napaisip din si Aein sa sinabi ni Gessalie.

"Nakita ko, nakita mo kung paano sila kapag magkasama sila. At diba sinabi ni Angela na totoo na ang relasyon nila nung tumagal." Anang Gessalie, napabuga uli nang hangin si Aein.

"Tsk. Oo kikilos na."

Lumapit si Gessalie kay Aein at ti-nap ito sa balikat.

"Mapapaibig mo siya, torpe mo lang kasi kung si Stanley nga nagawa siyang paibigin ikaw pa kaya." Ani Gessalie sabay kindat kay Aein.

*---***---*

"Bakit gusto mong makausap si Cherry?" Nakakunot noong tanong ni Mrs. Alvio kay Mr. Serano.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now