Chapter 106

3.3K 88 1
                                    


STANLEY'S POV

"Stanley." Napaangat mukha ko, si Coach naglalakad palapit sa amin.

"Bakit Coach?" I asked pero patuloy akong nagpupunas nang pawis ko, kakatapos lang nang practice namin.

"Everyone listen." Ani Coach, nagsilapaitan ang mga team mates ko.

"Tomorrow na makikipagmeeting tayo sa mga head nang Football Association, be here by 2:00 pm sharp, walang magpapalate, doon niyo din makikilala ang magiging team mates niyo from other team." Anang Coach. Nag-ingay ang paligid, samot-saring reaksyon. Ako naman tinapos ko ang pagpupunas nanng pawis ko.

"Coach, how about Angela." Napakunot noo ko sa pagkuway sinabi ni Arvin. Natigilan ako, oo nga pala paano si Angela.

Napatingin ako kay Coach, nakatingin din siya sa akin nang seryoso.

"She won't join us, hindi siya pwede at alam niyo 'yon." Ani Coach.

I heave a sighed. Alam namin naming lahat but she will be hurt kapag nalaman niya ito. Arrrgg.

Okay na kami, oo, kapag nagkikita kami sa kung saan man dito sa school nginingitian ko siya kahit kaway lang sukli niya ayos na iyon, atleast hindi siya umiiwas tulad dati, hindi ako makalapit sa kanya dahil kay Wency at Danila, ayaw nilang lumapit ako 'yon nangyari nga nung sinubukan ko grabeng mura ang natanggap ko, hindi ko din magawang makakuha nang time na mag-isa siya dahil busy din naman ako sa pagpapractice at sa exam.

Ngayon paano ko sasabihin ito sa kanya na hindi siya masasaktan? Alam kong sobrang mahalaga sa kanya ang International Football League, paniguradong hindi siya papayag na hindi siya mapapasali and worst it will hurt her.

Pero hindi nga siya pwedeng mapasali, may sakit pa siya, she's still suffering from TBI.

"But what if she want? Really really want to play." Anang Arvin, tumayo ako at hinarap siya.

"Hindi siya pwede kahit gustuhin man niya. Can you just shut up. " inis kong bulalas, sinamaan niya ako nang tingin. Kahit kapatid ko siya hinding-hindi ko siya sasantuin.

Walang nakakaalam na team mates namin na magkapatid kami kahit nga si Coach hindi din alam, tsk, hindi ko din gugustuhing malaman nang mga tao.

"Walang mag-aaway." Babala ni Coach. Tinitigan ko nang mabuti si Arvin.

"You know how much important to her this game, sa tingin mo ano magiging reaksyon niya?" Pangatwiran niya pa. Arrrggg, alam ko kung gaano ito kahalaga pero she's not fit to play.

"May sakit siya hindi nga siya pwede, naiiintindihan mo din ba ito? Buhay niya ang pinag-uusapan dito." Nakakabwisit, talagang mangangatwiran pa siya, hindi niya ba naiisip na malalagay sa panganib si Angela kapag pinayagang maglaro.

"Then tell her without breaking her heart." Mariing sabi ni Arvin tapos tumalikod ito at walang paalam na umalis.

Napabuga ako nang hangin, it will be hard for us to accept each other as a brother, tsk, wala din naman akong interes kilalanin siya bilang kapatid.

"Stanley, kakausapin natin si Angela." Nilingon ko si Coach.

"Ako na coach ang bahalang kumausap sa kanya." Aniko then tumalikod na din ako at kinuha mga gamit at umalis na din.

Tinungo ko muna ang shower room para maligo after non tinahak ko ang room nila Angela, kahit hindi papayag sina Wency na kausapin ko si Angela talagang ipagpipilitan ko, I really needed to talk to her. This is important.

Sumilip ako sa bintana nang marating ko ang classroom nila pero napakunot noo ko nang makita siya na nasa loob nang classroom nila, nakatulala, nakatitig sa isang direksyon.

The FOOTBALL PrincessМесто, где живут истории. Откройте их для себя