Chapter 58

3.8K 98 1
                                    


ANGELA'S POV

"Lakasan mo Markiel." I shouted out. Geeez, ang hina kasi nang sipa. Parang bakla, psh, masigawan nga.

"Hoy Markiel ayusin mo para kang bakla." I shouted out so loud, napatigil silang lahat at napatingin sa akin.

Nagcross arm ako.

"Oh bakit? Ang hina nga nang sipa." Aniko pa tapos inirapan sila.

"Angela, magfocus ka." Coach Exan said. Naparolled eyes ako. Ako pa talaga pinagsabihan niyang magfocus.

"Tsss. Kasi naman lalamya-lamya." Turan ko pa. Lahat sila sinamaan ko nang tingin. Totoo naman ehh, ang hihina nang mga sipa parang di mga lalaki, hello dalawang araw na lang ang natitirang training namin tapos ganito sila? Aba't parang mga walang plano na panalunin ang league. Nakakainis.

"Sige na, huwag niyo na lang pansinin siya." Ani Coach William. Napataas ang kilay ko. Bakit? Mali bang pagsabihan sila? Psh, kung ganyan din lang naman bakit pa kami nang training?

Bumalik na uli sa pagtakbo sila. Hindi ako kumilos, nakacross arm pa din akong tumingin lang sa kanila.

"Angela ang bola." Coach Exan shouted. Hindi ko kasi kinuha ang bola hinayaan ko lang itong dumaan sa tabi ko. Naiirita ako sa kanila.

"Geeez, anong problema mo?" Ex-Captain BJ slash fake boyfriend shouted. Inirapan ko lang siya.

"Sige na magpahinga muna kayo." Anang Coach Sany na napahilot sa sentido.

Nagsialisan silang lahat naiwan ako at si fake Boyfriend ko, tinitigan niya ako nang masama.

Napabuga ako nang hangin. Psh, problema nang bwisit na 'to?

Inirapan ko siya at tinalikuran.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko as in holding hand tapos sumabay sa paglalakad sa akin. Tss, acting like a boyfriend uli.

Inirapan ko siya kahit hindi siya nakatingin sa akin. Psh, two days ngayon nang pagpapanggap namin at ang nakakaluka itong si Ex-Captain BJ ginagawa nga niya ang lahat to show them na may something sa amin, kagabi panay pa ba naman subo nang pagkain sa akin sa hapunan namin, nagtataka na nga mga team mates namin, lalo na ang tatlong kaibigan niya pero wala namang nagtatanong, ni walang nagtangka.
Psh, bahala sila. Isipin na nila gusto nilang isipin.

"Magsorry ka kay Markiel." Tumingin ako sa kanya.

"Psh, ayoko nga." Sagot ko.

Tumigil siya sa paglalakad kaya naman napatigil din ako. Bakit naman ako magsosorry? Hello, tama naman ako ahh, para siyang bakla.

"Hindi mo naman kailangang ganunin siya." Aniya.

Sumimangot ako. Ano bang mali don?

"Dati ikaw ang nagagalit kapag binabastos ko sila pero ngayon ikaw naman gumagawa. Ano bang problema mo't dinala mo sa practice ngayon?" Inirapan ko siya.

"Wala akong problema. Tsk, naiinis lang ako." Aniko. Nagulat ako nang kinurot niya pisngi ko. Nanlaki mata ko at humiyaw.

Aba't ang lakas nang loob.

"Pwede ba. Huwag kang feeling close." Singhal ko pero sinamaan niya ako nang tingin.

"Umayos ka. I told you diba ako ang masusunod." Aniya tapos hinila kamay ko at muli kaming naglakad. Napairap na lang ako at nagmamaktol. Nakakainis parang ang lalaking 'to ang nakikinabang sa pagpapanggap namin.

Kumunot noo ko nang makitang papasalubong sa amin sina Bryan, lalong humigpit ang hawak ni ex-Captain BJ sa kamay ko.

"Gel." Ngiting bati ni Bryan pero sumulyap ito sa kamay namin ni Jerk. Ngumiti ako, kita kong nag-iba ang emotion ng mukha ni Bryan. Maniwala ka, maniwala kayo at tigilan na ako at nang matapos na itong pagpapanggap namin.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now