Chapter 53

4.1K 92 0
                                    


STANLEY'S POV

"Kalimutan mo na yan
Sige-sige maglibang
Wag kang magpakahibang
Dapat ay itawa lang
Ang problema sa babae dapat 'di iniinda
Hayaan mo sila ang maghabol sa'yo di' ba?
Sabi ko naman sa'yo, lahat yan nagloloko
Pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo
Kaya wag nang uulit pa
Kaya wag nang uulit pa."

Napairap ako sa sobrang ingay nang babaeng iyon. Tsk. Kakairita, kanina pa niya paulit-ulit na kinakanta ang kantang iyan. Talagang pinapatamaan niya ako.

Tahimik ako kaninang mag-isang nakatambay dito sa bleacher tapos dumating siya kasama ni Arvin tapos biglang nagtawanan sila at nagsimula nang kumanta at sa dami-daming kanta iyang Hayaan mo sila nang ExB, ang sikat na kanta na kinakanta nang mga high school students.

Kumunot noo ko nang makitang naglalakad siya palapit sa akin habang kumakanta.

"Eto na naman tayo
Kelan ka ba matututo?
Pag-ibig ay sakit sa ulo
Kaya wag kang magpapaloko
Bakit ba ang bilis mo na maniwala diyan?
Di ka pa ba nadala sa 'yong nakaraan?
Ilang beses pa ba na kitang papayuhan?
Ayaw ko lang naman na ikaw ay masaktan
Hindi kita sa dina-down, down, down, tol pumili ka kase
Karamihan kasi now kung makuha madale
Madali nang magpakamot pag may nangate
Kaya ngayon palang mag-isip ka pre."

Inis akong tumayo at sinamaan siya nang tingin. Tumahimik siya pero tinitigan niya ako nang mabuti pero nakangisi siya.

"Nang-aasar ka ba?" Singhal ko sa kanya.

Tinaasan niya ako nang kilay.

"Bakit? Naasar ka?" Patanong niyang sagot. Kuyom ang kamao kong hinarap siya. Talaga naman. Kung hindi lang siya babae kanina ko pa siya sinuntok. Nakakairita talaga siya.

"Wala ka bang magawa sa buhay?"

Namaywang siya tapos naglakad palapit sa akin habang tinitigan ako nang matalim.

"Bakit? Ikaw ba may magawa ka? Akala mo ba nakalimutan ko na ang kasalanan mo? Seven days akong gigil na gigil na sipain iyang pagmumukha mo. Seven days na gusto kitang suntukin, seven days na gusto kutang ibaon sa lupa sa kabwisitan, dahil naaalala ko ang ginawa ming kabastusan kapag nakikita ko iyang pangit mong pagmumukha." Aniya.

Napangisi ako. So, iyon pala ang isyu niya kaya gumagawa nang way para inisin ako. Puwes nagkakamali siya nang paraan.

Naglakad ako palapit sa kanya, umaatras naman ulo niya. Tingnan natin kung sino ang matatalo sa amin.

"Talaga pangit?" Ngumisi ako at tinitigan siya sa mga mata, tapos nilapit pa lalo ang mukha ko. Napatingin ako sa labi niya, geez, that lips, that kissable lips. Natatakam akong halikan, napatingin ako sa mukha niya, biglang kumulo ang dugo ko. 'Yan, yang pagmumukha niyang nakakairita. Damn that.

Napatingin ako sa pisngi niya. Kita mo nga naman, akalain mong magrereact nang ganito ang babaeng 'to. Lalo kung nilapit mukha ko, inch far.

"Bakit ka namumula? Akala mo hahalikan uli kita?" Bulong ko. Nanlaki mata niya tapos tinulak ako.

"Walang hiyang kang Captain BJ. Arrrg. I mean ex-captain Bipolar Jerk, bastos, manyak, pervert, walang hiya." Pinanliitan ko siya nang mata, ang walang hiyang babaeng 'to makapagsalita, akala mo naman.

"Tsss. Stupid. Assuming ka lang." Aniko tapos tinaasan siya nang kilay at tinalikuran.

"Assuming? Ako? What the hell. Ang sabihin mo PERVERT ka. Jerk." She shouted out, I just shrugged. Naglakad ako palayo sa kanya pero napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa harapan ko.

"Hi, can we talk?" Isang ngiti ang binigay niya.

I clenched my fist and tried to chill. Nasasaktan ako ngayong nakita ko siya, naiinis ako dahil naaalala ko ang ginawa niya. Napatingin ako sa tiyan niya nang hawakan niya ito.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now