Chapter 69

3.6K 102 1
                                    


STANLEY'S POV

Nang makapasok ako sa loob nang kotse ko, agad kong kinuha ang phone ko. I dial her number pero ring lang nang ring. Muli ko uling dial pero wala pa din.

"Ano bang ginagawa nang babaeng 'to? Tsss."  Inis kong binaba ang phone ko at pinaandar ang kotse ko.

Mabilis ko itong pinaharorot ang kotse, better puntahan siya. Excited pa naman akong ibalita ang good news tapos hindi niya sinasagot phone niya, edi wow. Gustong-gusto niyang maglaro tapos heto na nga pero kita mo hindi sumasagot. Geeez, naiinis ako.

Mahabang biyahe pero okay lang alam ko namang matutuwa siya sa balitang dala ko.

Tss, ewan, I just want her to see happy, kasi kapag umiiyak siya pumapangit siya at nakakairita. Pero sobrang nakakaawa niya nang makita ko ang video niya, that time paalis na ang team namin papunta sa football field dahil may game kami gusto ko pa sanang puntahan siya at siguraduhing ayos lang siya pero wala ehh. She beg and kneel down para huwag lang siyang tanggalin sa list nang players pero hindi man lang naawa si Mr. Serano, hindi man lang siya nakaramdam nang awa sa anak niya.

Sobrang tigas nang puso niya, hindi naman mahirap mahalin si Angela ehh, maldita lang at maingay pero she's nice at maawain sa mga bata, nang mamasyal nga kami with the kids na nakilala lang niya bago lang pansin kong tuwang-tuwa siya, then she help those kids at binigyan niya pa ang isang bata nang pambili nang gamot nang ama nito.
Don ko nalaman na hindi lang pala pagmamaldita alam niya, may puso din pala siya.

She has different attitude, she's different from others, I admit it, she's amazing yet attractive. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naiisip ko siya kapag gabi, ayaw ko sa kanya pero naiinis ako kapag hindi ko siya nakikita, maybe I adore her pero I won't fall inlove with her, not now, kakatapos lang nang relationship ko with Nica at masakit pa iyon, ang sa amin ni Angela naman is fake lang naman, sila lang naman ang mag-iisip na totoo ang relasyon namin dahil sa kasunduan namin. After a month matatapos din naman ito. Kaya I will never let myself fall for her baka masaktan lang kami pareho.

But now, kailangan kong makausap siya tungkol sa good news.

Nang marating ko bahay nila agad akong bumaba at nagdoorbell. Isang may edad na babae ang lumabas.

Nakangiti itong lumapit sa gate at pinagbuksan ako. I smile and greet her.

"Hijo, sinong hinahanap mo?" She asked me.

"Maam, si Angela po?" Magalang kong tanong.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Boyfriend ka ba niya?" Tanong nito. Sandali akong natigilan. Boyfriend? Sasabihin ko ba? Magsisinungaling ako? Tinitigan kong mabuti ang kaharap ko. Siya ba ang Lola ni Angela? Paano kumg magalit siya? Geeez, bahala na.

Ngumiti ako at tumango.

Nanlaki mga mata niya at napatingin sa loob nang bahay at napatingin uli sa akin.

"Talaga ba? Boyfriend ka niya?" Tuwang-tuwa pang tanong niya. Weird pero napahinga ako nang maayos, mukhang hindi naman nagagalit.

"Naku hijo pasok ka muna tulog pa si Angela." Anito tapos hinawakan ako sa kamay at hinila papasok.

"Nakakahiya po Lola." Aniko.

"You don't need to be shy. Hindi ka niya nakwento sa akin pero it's fine atleast alam kong may nag-aalaga sa apo ko." Tuwang-tuwa niyang sabi. Ngumiti na lang ako.

Pinaupo niya ako sa couch.

"Sit down and wait ipapatawag ko siya." Aniya tapos naglakad pero muling tumigil at may tinawag na pangalan. Lumabas ang isa pang may edad na babae.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon