Chapter 110

3.6K 84 9
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Dad give her a time. Hindi niya ineexpect na mangyayari ang bagay na ito. Bakit kasi di mo sinabi agad?" Ani Rico.

Nasa office sila ni Mr. Serano, kakatapos lang nang announcement, at hindi nila lahat expected ang mga nangyari, lalo na nang tumakbo palabas nang gymnasium si Angela.

Napabuga nang hangin si Mr. Serano.

"I want to surprise her. Pero nasira ang lahat." Anang Mr. Serano na nasaktan sa nangyari.

Nagcross arm si Rey.

"Sino ba naman ang hindi tatakbo? Biglaang ipapakilala at sa harapan pa nang buong students, staffs and etc na saksi sa nangyari noong nagdaang mga araw. You kick her in front of them then now you're going to introduce her as your daughter." Anang Rey.

Napakuyom nang kamao si Mr. Serano. Alam niya iyon, at nagsisisi siya.

"He's right. Dad, biglaan ang ginawa mo." Ani Renjie.

Tumayo si Mr. Serano.

"Okay fine, mali na akala ko kasi it will be okay. Ano bang dapat kong gawin para maging okay kami? Na tatanggapin niya ako? Tinatama ko na ang mali ko, sinuaubukan ko nang magpakaama sa kanya." Anang Mr. Serano.

Nagkatinginan mga anak niya.

"Give her time dad." Anang Rico.

"Oo Dad, maybe she's not ready of your changes." Ani Renjie.

Napabuntong hinga si Mr. Serano.

"Iyon na nga ang magagawa ko." Mahinang sabi ni Mr. Serano.

**----***----**

"What are you doing here?" Señora asked Jenica. Nakaupo ang Señora sa couch.

Ngumiti lang si Jenica at lumapit kay Señora at humalik.

"Anong hangin ang nagdala sa'yo dito?" Anang Señora uli.

Nilibot ni Jenica ang paningin sa kabuuhan nang mansiyon. Halos picture ni Angela ang nasa malawak na sala. Napapangiti siya sa mga picture nang anak.

"Jenica, if you're planning to get Angela from me you won't win. Akin ang apo ko." Mariing sabi nang Señora.

Napalis ang ngiti ni Jenica at seryosong tinitigan ang Señora.

"She's my daughter Mama." Mariing sagot ni Jenica. Señora gritted her teeth at tinitigan nang matalim si Jenica, hindi umatras si Jenica sa pakikipagtitigan kay Senora.

"Ilang ulit ba tayong magsasagutan? Anak mo si Angela, oo pero iniwan mo siya, iyan ang isang matibay na patunay na wala kang karapatan sa kanya." Giit nang Señora.

Napaiwas nang tingin si Jenica.

"Oo iniwan ko siya pero nagkamali ako, pinagsisihan ko na iyon, okay. All I want is her Mama, give me Angela." Mariing pangatwiran nang Ginang.

Umiling ang Señora.

"You can't get her from me. Kung papipiliin niyo siya ako at ako pa din ang sasamahan niya." Matigas na sabi ni Señora.

"Mama, we want her, nag-usap na kami ni Arnel at bubuuhin na namin ang pamilya namin." Muling tumitig ang Ginang kay Señora.

"Hindi nga ako papayag. Hindi mo ba naiintindihan iyon? Mahirap bang intindihin iyon?" Bulalas nang Señora.

Lumapit si Jenica kay Señora at hinawakan ito sa kamay.

"Please Ma, let me have her, let us have her. We want to be a family, mama andito na nga kami diba, handa na kaming maging ina at ama sa kanya."

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now