Chapter 113

3.2K 78 3
                                    

STANLEY'S POV

Nakita ko sina Danila at Wency kaya nagmadali akong lumapit sa kanila at hinarang sila.

"Stanley anong kailangan mo?" Wency asked seriously, matalim pa ang mga titig niya.

"Si Gel?" I asked. Umiwas nang tingin si Wency.

Kumunot noo ko, may nangyari ba na hindi ko alam?

"Hey! Tell me." Singhal ko.

Kumunot noo ni Wency na tumingin sa akin.

"Pwede ba Stanley, hayaan mo muna siya may pinagdadaanan siya." Inis nitong sabi at napacross arm pa.

"Pinagdadaanan?" I asked again.

"Stan, please huwag mo siya munang kulitin. Ayaw niya munang magpakita o kumausap nang sino man. Kami nga na nasa bahay lang at si Lola ayaw niya pang makipag-usap. Hayaan muna natin siya." Ani Danila naman.

"Ano ba talagang problema niya?" Two days siyang hindi ko makita, kahit sa room nila wala. Bukas na ang huling day nang klase namin this semester, it will take three weeks bago muli magpasukan, pwede ko naman siyang puntahan sa bahay nila pero hindi ko iyon magagawa dahil may training ang team namin sa loob nang three weeks na iyon. At isa pa hindi na kami nagkita at nag-usap after nang hapunan sa bahay namin, sapilitan ko siyang hinila para umuwi at alam kong naiinis siya sa akin that time kaya kina Wency siya sumabay umuwi at maybe hanggang ngayon.

Okay inaamin ko naman na naging padalos dalos ako that night pero hindi ko lang talaga mapigilang mainis sa mga tao sa loob nang bahay na iyon. I hope she understand me.

I tried to find her para makausap pero hindi ko naman siya mahanap, at itong mga kaibigan niya hindi ko din matyempuhan ngayon lang talaga.

"Please Stan, huwag ka munang makulit. Hayaan muna natin siya." Mariing sabi ni Wency.

Napabuntong hinga ako.

Gustong-gusto ko siyang makita at makausap at mayakap pero mas okay sigurong sundin na lang muna sila. Kung ano mang pinagdadaanan niya ngayon sana kasama niya ako pero alam kung mas gugustuhin niyang mag-isang harapin ito, sana lang maisip niyang andito ako para sa kanya.

"Masyado pang mabigat ang nararamdaman niya ngayon kaya please hayaan mo muna siya." Mahinahong sabi ni Wency.

I heave a sighed.

"Oo hahayaan ko muna siya. But please call me kung anong nangyayari, please sabihin niyo sa akin. Gusto kong malaman ang lahat nang nangyayari sa kanya. Gusto ko sanang ngayon ko aalamin sa inyo pero I can't do anything dahil mukhang ayaw niyo namang sabihin." Aniko.

"Sorry Stanley, hindi namin siya mapipilit na makipag-usap, at wala ka ding magagawa para makausap siya. Kaya ang magagawa muna natin ngayon is to let her alone. Masyado pa siyang nasasaktan ngayon." Ani Danila.

Napakunot noo ko na naman sa sinabi nita. Nasasaktan?

"Why?" I asked.

Nagkatinginan ang dalawa tapos si Wency iwas tingin na nakacross arm pa din.

Kay Danila naman ako napatingin.

"Ayaw namin magkwento, wala kaming karapatang magsabi nito, if you want to know ask Rico o sino man sa kanila I am sure masasabi nila sa'yo ang lahat." Ani Danila.

Sina Rico. If that so, then I will ask them.

"Sige na una na kami." Ani Wency, tumango naman ako, nagpatuloy na din ako sa paglalakad papuntang field dahil may practice kami ngayon. After nito plano kong puntahan o tawagan sina Rico to ask about Angela. Kung bakit at anong dahilan.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now