Chapter 138

2.3K 44 3
                                    

AEIN'S POV

Nakuyom ko kamao ko habang pinagmamasdan si Gel na umiiyak sa balikat ni Klent.

Ako dapat ang kayakap niya ngayon, ako dapat ang magpapahid nang mga luha niya, ako dapat ang magcocomfort sa kanya kung wala lang iyang si Klent. Tsk, dapat pala kanina ko pa sila sinundan at nang ako ang nasa lugar ni Klent ngayon.

I am the best friend and not that Klent. Naiinis ako, nagseselos ako.

"Tapos na. Wala nang Stanley at Gel love story." Napatingin ako sa likuran ko. Si Jane nakatayo at nakatitig din kina Klent at Gel.

I heave a sighed.

"Kanina ka pa diyan?" I asked.

Napatingin siya sa akin.

"Kasabay mo lang." Aniya.

Napatingin ako kay Gel.

"It is about Klent and Abby, right?." Tanong ko. Iyon ang pumasok sa isip ko nang marinig ko ang sinabi ni Gel kanina kay Stanley, oo masama makinig sa usapang may usapan pero hindi ko mapigilan, curious ako kung bakit kailangan nilang magpakalayo para mag-usap.

"Sino nga ba si Klent at Abby sa buhay nila?" Tanong ni Jane naman.

"Wala tayong alam, kung si Klent kasama ni Gel simula nang bumalik siya nang Pinas at nagkalamat na relasyon nila ni Stanley, maybe there's something special between them." Aniko.

"And who knows? Baka may namamagitan na din kina Abby at Stanley, we both saw how close they are when we're in chicago. How Stanley taking care of Abby, diba nakakapagtaka?" Turan naman ni Jane.

Nagkatinginan kami.

"Kung dito man natatapos sila wala tayong magagawa don, pero if they were really destine then magkakabalikan sila." Sabi ko naman.

Dahil kung sila talaga, soon magkakaayos sila pero ngayon kailangan muna nilang magpahinga, they need space para marealize ang halaga nang isa't isa. Kung may Klent at Abby sa buhay nila ngayon, malalaman natin kung sino talaga ang nakatadhana sa isa't-isa.

Kami wala kaming alam sa ugnayan nila kina Abby at Klent na siyang dahilan nang paghihiwalay nilang dalawa, dahil hindi namin alam ang totoo, wala kaming karapatang makisali, they both decide to stay apart. Hindi namin sila pwedeng pigilan. Ang magagawa na lang namin ngayon is to comfort Gel, dahil babae siya at paniguradong nasasaktan.

Ako, handa akong yakapin si Gel kung kailangan niya nang yakap, handa akong makinig kung kailangan niya aang kausap, handa akong magpasuntok kung kailangan niya nang malalabasan nang sakit, handa akong sasalo sa kanya kung mahuhulog man siya.

"Let's go inside. Hayaan na natin si Klent diyan." Ani Jane. Tumango ako then sumunod sa kanya.

Pagbalik namin sa mesa namin napakunot noo ko nang mabungaran namin na pinagmumura ni Wency si Stanley. Naagaw nito ang atensyon nang iba.

Kahit inaawat si Wency hindi pa din ito nagpapapigil.

Lumapit na nga sina Rico para ayusin ang nangyayari pero si Rico din naglabas nang saloobin nang malaman ang nangyari kay Gel at Stanley.

"Tama na. Hindi niyo siya kailangang pagtulungan." Napatingin kaming lahat sa likuran namin, si Gel, ang dating Gel na una kong nakilala ang nakikita ko ngayon. That aura, that emotion written in her face.

"Gel, are you okay?" Mabilis na lumapit si Wency at inusisa si Gel.

"Oo ayos lang ako. Huwag niyo na siyang pakialaman." Ani Gel na tinutukoy si Stanley. Walang emosyon itong sumulyap kay Stanley.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon