Chapter 80

3.7K 87 1
                                    


STANLEY'S POV

"Captain, bad news." Ani Bernie. Napaangat ako nang mukha at napatigil sa pagbabasa nang research paper ko.

"Bakit bro?" Tanong ni Solyie na nasa tabi ko at nagbabasa din.

"Si Angela nahimatay, dinala na siya ngayon sa clinic." Napatayo ako sa sinabi niya.

Nahimatay? Damn it. Inatake na naman ba siya?

"Solyie ligpitin mo ang mga gamit ko." Aniko at mabilis na tumakbo palabas nang room.

Halos liparin ko na ang bawat hagdan na binababaan ko. Ano bang ginawa niya bakit nahimatay na naman siya? Geeez, ang babaeng iyon sobrang careless.

"Stanley." I slow down and look at Nica who call me.

Kumunot noo ko, sumunod siya sa akin.

"Lunch tayo." Yaya niya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"I have something important to do. Sorry." Aniko at tumalikod pero hinawakan niya ako sa braso.

"About last time, sorry but it was true. I still in--" I cut her off.

"I need to go Nica. Angela needed me " walang emosyon kong sabi at tinabig kamay niya at mabilis na naglakad palayo.

Pagdating ko sa clinic naabutan ko sa labas ang dating mga kaibigan ni Angela at nakikipagsagutan ito sa mga nurse na nandoon. Napatingin ako sa saradong hospital curtain, malamang andoon si Angela.

"Nurse ano ba?" Napatingin ako sa mga naroroon.

"Hindi nga pwede." Anang nurse.

"Anong nangyayari dito?" Malakas kong tanong, napatingin sila sa akin at natahimik.

"Nasan si Angela?" Usisa ko.

"The doctor still checking her." Anang isang nurse.

"Sabing okay lang siya. Hindi niyo na siya kailangang icheck." Anang isa sa dating kaibigan ni Angela (Wency).

"Ms. Please, responsibilidad nang doctor na i-check ang pasyente." Anang nurse.

"Hindi niyo naiintindihan. She don't need to be check, ayos nga lang siya." Sabat nang isa (Danila). Kumunot noo ko sa sagutan nila. Ano ba kasing problema nang dalawang 'to?

"Stanley, pigilan mo sila, they don't need to check Angela. Diba sinabi niya sayo na hindi niya gustong dinadala sa clinic? Please lang sundin mo." Anang isa (Wency)

"Bakit hindi niya gugustuhin? Miss. Nakikita niyo ba mukha niya? Namumutla siya, kailangan niyang i-check." Anang nurse.

"Stanley, please." Pagmamakaawa nang dalawa.

I heave a sighed. Lumapit ako sa hospital curtain at binuksan ito, nakita ko si Angela na walang malay na nakahiga sa hospital bed habang ang doctor gulat nang mapalingon sa akin.

"Stop that doc. Dadalhin ko na siya sa hospital." Walang emosyong sabi ko at mabilis na binuhat si Angela.

"Pero Mr. Kailangang dumaan muna siya dito bago dalhin sa hospital, rules iyon nang school." Anang Doctor.

Hindi ko ito pinansin ni hindi ko sinagot. Buhat-buhat si Angela lumabas ako nang clinic, sumunod naman ang dalawang mga kaibigan niya.

"Buti pa iuwi mo na lang siya Stanley, she just need a rest." Anang isa (Wency).

Napatingin ako sa mukha ni Angela, ang putla-putla talaga niya. Geeez, ano bang nangyayari sa kanya? Bakit lately napapansin kong namumutla siya?

"Sandali tumigil ka muna Stanley." Ani pa nito. Napatigil din ako at kunot noong napasulyap sa mga ito. Marami silang inusisa, sa mata, sa pulsuhan at sa kung saan saan pa.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now