Chapter 122

2.7K 63 6
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Your daughter was so evil."Ani Mr. Serano sa Ginang.

" Hindi nga ako makapaniwala na ganito ang gagawin niya. Hindi ko na alam kung papaano didisiplinahin ang batang iyon." Anang Ginang.

"Kung di dahil sa'yo matagal ko nang pinalayas iyan sa school at bigyan nang parusa." Mariing sabi nang Mr.

Tumayo ang Ginang at tiningnan ang Mr.

"Ako nang bahala sa kanya Arnel." Ani Ginang. Napabuntong hinga ang Mr at niyakap ang Ginang.

"Maam, Sir may gusto pong kumausap sa inyo." Napalingon sila sa pinto, pumasok mula doon si Cherry.

"Cherry." Agad na lumapit ang Ginang dito at niyakap ang anak, bigla namang umiyak si Cherry.

"Ssshhhh. Andito si Mommy." Anang Ginang, lalong umiyak si Cherry at mahigpit na napayakap.

"M-mom... Hindi ako gumawa non, maniwala ka, si Hannah, sila ang gumawa non." Umiiyak nitong sabi. Humiwalay ang Ginang.

"You mean sa post?" Tanong nang Ginang.

Umiiyak na tumango si Cherry.

"They used my account para ako ang sisihin, mom they used my name para ako ang masira."

"Nagsasabi ka ba nang totoo?" Mr. Serano asked. Napalingon si Cherry dito.

"Kaya ako nagpunta dito para linisin ang pangalan ko. Mom, believe me hindi ako gumawa non, nagsorry na ako kay Angela at nakipagbati, bakit ko naman gagawin iyon? Mom, hindi ako may gawa non." Turan ni Cherry.

"Maihaharap mo ba sa akin ang sinasabi mong Hannah?"

Natigilan si Cherry sa sinabi nang Mr.

"This is the way to clean your name Cherry, ituro mo ang may gawa nito." Anang Ginang.

"Kung wala ka talagang kasalanan. Kung hindi talaga ikaw ang may gawa non." Mariing sabi ni Mr. Serano.

Tumango naman si Cherry.

"Ituturo ko po. Ituturo ko siya." Mariing sagot ni Cherry.

"Mom si Rico po pala." Tiningnan ni Cherry ang ina na nagtataka naman.

"What about him?" Mr. Serano asked.

"Galit na galit po siya sa akin dahil akala niya ako talaga ang nagpost non, he warned me sasaktan daw niya ako kapag muli kaming nagkita kung di pa maaalis ang post na iyon." Ani Cherry.

"Don't worry kakausapin ko si Rico." Ani Mommy, napayakap ako sa kanya.

"Mom, thank you so much." Bulong ni Cherry sa ina.

"Kaya ka ba nagpunta dito dahil sa takot kay Rico? Kung hindi ka tinakot ni Rico aapak ka ba dito?" Napatingin ang mag-ina sa Mr, yumuko si Cherry.

"Nung huling paghaharap natin pinagmumura mo ako at sinabihan nang kung anu-ano pero ngayon para kang asong maamo." Ani Mr. Serano.

"Honey." Anang Ginang.

"Hindi porket hindi siya ang gumawa non kakalimutan ko na lang ginawa niya." Ani Mr. Serano. Napaiyak lalo si Cherry.

"Mom."

"Arnel please." Pagmamakaawa nang Ginang sa Mr.

Napabuga nang hangin ang Mr.

"Aalis muna ako, magpapaimbestiga ako kung totoo ang sinasabi niyang anak mo."

*---***---*

The FOOTBALL PrincessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu