Chapter 98

3.3K 78 2
                                    


STANLEY'S POV

"What the hell. Nica pwede ba lumayo ka." Inis kong sigaw kay Nica. Ilang araw na siyang sunod nang sunod sa akin. Last day she kissed me at sa harap pa ni Angela at nang maraming tao. Arrrgg, I tried to push her away pero hindi pa din lumalayo. Kahit ilang ulit kong pagtabuyan patuloy pa ding nangungulit. F*ck what she's thinking? Na after all papatawarin ko siya? Babalik kami sa dati? That's hell.

Tinabig ko ang kamay niya g humawak sa braso ko.

"NICA PWEDE BA. STOP THIS." I shouted out. She stared at me.

"Tama na okay. Tumigil ka na." Mariing sabi ko.

"Hindi na ako natutuwa sa'yo. Tapos na tayo at hanggang doon na lang tayo."

"No Stanley. Matutuloy pagmamahalan natin. Ikaw at ako. Pumayag na si Daddy na ikaw ang piliin ko. Are you not happy about that? Wala nang pipigil sa atin." Aniya.

I clenched my fist. She's crazy.

Tinitigan ko siya nang mabuti.

"Stanley, wala nang kokontra. Wala nang makakapaghiwalay pa sa atin." Ani pa niya. Umiling ako.

"Stop this Nica. Ayoko na. Hindi na tayo magkakabalikan pa." Mariing sabi ko.

"No! Stanley ipagpapatuloy natin ang naudlot. You and me." She said then hold my hand pero tinabig ko kamay niya.

"Tigilan mo na itong kahibangan mo please. Find someone better than me." Aniko.

"No Stanley, ikaw na sapat na sa akin." Aniya then hold my face.

I stepped back.

"I am so sorry Nica. Pero wala na akong nararamdaman para sa'yo." Mariing sabi ko.

"Because of Angela. Siya na ang mahal mo?" She said while trying to be calm pero kita kong pumatak ang mga luha niya pero mabilis niya itong pinahid.

"Tell me Stanley, mahal mo na siya?" Tinitigan niya ako nang mabuti. I heave a sighed.

"Nica please huwag kang magpakatanga. Tama na. Hinding hindi na ako makikipagbalikan sa'yo." Aniko.

"You can't answer me. It's that mean na hindi mo pa siya mahal? Then love me again Stanley, ako ngayon ang mahalin mo." Mariing sabi niya. Umiling ako.

"I'm so sorry." Mahinang sabi ko.

Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad palayo. Mahal ko nga ba si Angela? Mahal ko na nga ba siya? Pero hindi pa ako sigurado, I only want this moment is to asked forgiveness, to apologize for what I've done, for leaving them nung mga panahong dapat na naroroon ako sa tabi niya, kasama nila.

Arrrgg. I am stupid. Nung mga panahon na sinabi namin na tutuhanin namin ang relasyon namin, akala ko masasabi ko nang mahal ko na siya pero ewan bakit hindi ko masabi, bakit kahit sa sarili ko hindi ko iyon masabi. I am attracted to her, I like her the way she is but I can't say it is love. I don't know, naguguluhan ako, espesyal siya sa buhay ko pero arrrggg I don't know, naguguluhan ako.

"Stupid Stanley." Napatigil ako sa paglalakad nang humarang si Arvin.

"Simpleng tanong hindi mo masagot? Mahal mo si Angela? Oo o hindi. Simple answer to a simple question." Ani Arvin.

Kumunot noo kong tinitigan siya.

"Oo o hindi Stanley, bakit di mo na lang aminin? Bakit tinatago mo pa? Bakit di mo maamin? Kahit sa sarili mo tinatago mo? Kung mahal mo siya ipagsigawan mo, sabihin mo." Aniya.

"Anong pinagsasabi mo? Anong kag*guhan ito?" Singhal ko sa kanya.

Ngumisi siya.

"Mahal mo siya Stanley, gusto mo siya. Huwag mo nang pigilan, huwag mo nang itago. Lalo kang maguguluhan kapag pinigilan mo pa, kapag di mo pa inaamin."

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now