Chapter 84

3.3K 90 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Asan mga anak mo?" Walang emosyong tanong ni Mr. Serano sa asawa.

Binaba ni Mrs. Serano ang hawak na fashion magazine at tiningnan ang asawa.

"Just let them do what they want, Arnel. Malalaki na sila, alam nila ginagawa nila." Seryosong sagot ni Mrs. Serano.

"Bakit ko naman hahayaan? Naririnig mo ba sinasabi mo? Alam mo ba kung anong ginagawa nila? Mga walang kwentang bagay." Singhal ni Mr. Serano.

Napatayo si Mrs. Serano.

"Arnel, naiisip mo bang dahil sa ginagawa mo lumalayo ang loob nang mga anak mo? Nakikita mo ba na hindi sila masaya sa pagiging sunod-sunuran sa'yo, sa mga gusto mo? They have their own life Arnel, let them choose what they want to do, what they want to have in their life." Mariing sabi ni Mrs. Serano.

Napakuyom nang kamao si Mr. Serano at sinamaan nang tingin ang asawa.

"Sa akin sila kumukuha nang pera, ako ang masusunod, ako ang dapat nila sundin. Gusto ba nilang alisan ko sila nang mana?" Galit na galit na sigaw ni Mr. Serano.

"Sa tingin mo ba kayamanan mo ang importante sa amin?" Napatingin ang mag-asawa sa nagsalita.

Nakatayo ang magkapatid sa pinto at seryosong nakatingin sa ama.

"Mga anak, I didn't know na uuwi kayo." Anang Mrs. Serano at mabilis na lumapit sa mga anak at hinalikan sa mga pisngi.

"Gusto niyo bang ipagluto ko kayo?" Anang Mrs. Serano.

"Mom, please, later." Ani Rey. Rico stare seriously at their father.

"Sa tingin mo ba hindi kami mabubuhay kung wala ka? Sa tingin mo ba interesado kami sa kayamanan mo? Pwes we will tell you that we don't care about your wealth." Mariing sabi ni Rico.

Lalong nangalit si Mr. Serano.

"Talagang sinusubukan niyo ako?" Bulyaw ni Mr. Serano habang tinitigan nang masama ang mga anak.

"Puwes simula ngayon huwag na huwag kayong tutuntong sa pamamahay ko, simula ngayon wala na akong anak. Simula ngayon itatakwil ko na kayo." Galit na galit na sigaw ni Mr. Serano.

"Arnel, ano ba. Tumigil ka nga." Sigaw naman ni Mrs. Serano.

Rico smirk.

"Mom, huwag ka nang magsalita. Let him do what he want. Ito ang kasiyahan niya." Mariing sabi ni Renjie.

"Renjie, Rico, Rey, tumigil kayo."-Mrs. Serano.

" Mom, we talked about this at handa kami sa mangyayari. Sawang-sawa na din kami sa kakasunod sa gusto niya. We never feel him as a father. Buong buhay namin hindi niya pinaramdam sa amin ang pagiging ama. Kaya mas mabuting tumigil na dito ang panggagamit niya sa amin." Ani Rey.

Nagtagis ang bagang ni Mr. Serano.

"Iyan ang gusto niyo. Then you are free to go out now, leave my house and never ever step here or in any property I own. I will get all your things that came from my money, everything you have na galing sa akin." Mariing sabi ni Mr. Serano.

"Then get it." Ani Rico, kinuha nito ang susi at ang ilang card na galing sa ama at inihulog ito sa sahig, ganon din ang ginawa nina Rey at Renjie.

Tumalikod si Rico, sumunod sina Rey at Renjie.

"Ano ba. Arnel, Rico, Rey, Renjie
Ano bang nangyayari? Tumigil nga kayo." Alarmang sumunod si Mrs. Serano sa mga anak at pinipigilan ang mga ito.

"Tessi, bumalik ka dito." Matigas na sabi ni Mr. Serano pero hindi ito pinansin nang Ginang.

"Mga anak, ano ba. Bumalik kayo at kausapin niyo nang maayos ang daddy niyo." Ani Mrs. Serano.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon