Chapter 114

3K 82 4
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Ginawa ko na ang gusto mo. I apologize to her already isn't it enough? At talagang iiwan mo talaga ako?" Umiiyak na sabi ni Cherry sa ina.

May dalang maleta ang Ginang, iwas ang tingin sa anak.

Humawak sa braso si Cherry.

"Mom, please stay here, stay with me, kahit hindi na para kay Daddy kundi para sa akin, para sa anak mo." Pagmamakaawa ni Cherry.

Tumingin ang Ginang dito.

"Ilang beses na akong nagpapigil sa'yo, and this time hindi ko na iyon gagawin, your Dad brought his girl here, ano na lang sasabihin nang mga tao? Cherry you need to understand. Someone should leave the house." Anang Ginang, hinawakan nito si Cherry sa pisngi at hinaplos-haplos.

"So it should you?" Kunot noong tanong ni Cherry, ngumiti nang tipid ang Ginang at tumango. Lalong bumuhos ang mga luha ni Cherry.

"No Mom, you should stay here, with me. Ikaw, ako, tayong dalawa." Mariing sabi ni Cherry.

Umiling ang Ginang at hinawakan ang kamay nito.

"This house own by your Dad. Ako ang dapat umalis. Don't worry honey pupuntahan kita dito, bibisitahin, if you want stay with me in my house." Anang Ginang. Napatitig si Cherry sa ina.

"No, dito ka lang Cherry." Sabat nang bumababang ama ni Cherry, napalingon silang dalawa dito.

"Hindi ako papayag na dalhin mo si Cherry." Mariing sabi pa nito habang papalapit.

"It is just suggestion." Sagot nang Ginang.

Umakbay ang Mr kay Cherry.

"But I will allow you to sleep at your mom's house just for three days." Anang Mr.

Napatingin ang Ginang kay Cherry.

"Arrrggg. I want you both in this house. Please, huwag niyo namang sirain ang  pamilya natin. Masaya naman tayo diba? Okay naman pagsasama niyo, pagsasama natin." Lintaya ni Cherry. Nagkatinginan ang mga magulang niya.

"Honey this is the fact, kami nang Daddy mo ay may kanya-kanyang mahal. Understand it please." Mahinahong sabi nang Ginang.

Umiling si Cherry, tinabig nito ang nakaakbay na kamay nang ama at lumayo.

"I don't understand. I don't know why. Dahil kay Angela kaya nasira pamilya natin." Bulalas ni Cherry.

Kumunot noo nang Ginang.

"Don't blame Angela. Wala siyang kasalanan dito." Mariing sagot nang Ginang.

"Walang kasalanan? This is her fault Mom." Giit ni Cherry.

"Cherry stop it. Honey lilipat lang naman nang bahay ang Mommy mo. She can go here anytime, you can go with her anytime. " sagot nang Mr.

Napakuyom nang kamao nang mahigpit si Cherry habang kagat ang ibabang labi sa sobrang galit.

"I HATE YOU BOTH." pagkuway sigaw niya, mabilis itong tumakbo paakyat nang hagdan.

Nagkatingin naman ang mga magulang niya.

"Don't worry maiintindihan din niya." Anang Mr. Napabuga nang hangin ang Ginang pero tumango.

"So aalis ka na?" Pagkuway tanong nang Mr.

"Yeah. Ikaw nang bahala sa kanya." Anang Ginang.

Ngumiti ang Mr.

"Don't worry, palipasin lang natin ang inis niya. Ihahatid na kita sa kotse mo." Anang Mr. Tumango naman ang Ginang at naglakad na ito palabas nang bahay, sumunod ang Mr hila ang travelling bag nang Ginang.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now