Chapter 153

2.8K 47 4
                                    

ANGELA'S POV

"Gelllllll." Napangiwi ako sa matinis na boses ni Arvin, ang malanding baklang 'to makasigaw.

Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap.

"Kala mo naman balik bayan ako ehh no. Nagkikita naman tayo sa labas at dito sa school kung makasigaw at yakap parang matagal kaming di nagkikita.

"Hi Gel!" Nilingon ko ang team nang Black tigger.

"Hi guys. Kumusta?" I asked them, they answered me iba't ibang sagot. Ngumiti ako.

"Namiss niyo ako no." Aniko.

"Psh, alangan naman hindi." Sagot ni Arvin. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Sobrang namiss Gel." Ani Bernie.

"Kaya nga ako nagpunta dito para makipagbonding na naman sa inyo." Sabi ko.

Naupo ako sa damuhan, dahan dahan lang ako sa pagkilos.

"Nagpabili ako nang makakain natin on the way na daw sila pabalik dito." Aniko.

"Wooaaah, yan talaga si Gel ehh." Ani Orlie.

"Naman, maganda na nanlilibre pa." Sabat naman ni Markiel. Napangisi ako.

"Mang-iinsulto pa talaga kayo. " sabi ko.

"Totoo naman maganda ka huh." Sabat naman ni Solyie.

"Kaya nga pinag-aagawan ka dati." Singit naman ni Arvin.

"Psh, dati pero ngayon ano na? Nganga." Turan ko naman.

"Tanga lang ang taong nang-iwan sa'yo." Napatingin ako kay Bryan. Natawa si Arvin at Wesley.

"Kung si Bryan or Aein sana ang pinili mo." Natawa ako sa sinabi ni Bernie.

"Ganon talaga. You can't force yourself to love someone, kusang nararamdaman iyon. Kita mo nga diba may love life na sila at masaya sila, it is their time to be happy in love. At ako kapalaran kong maging single." Aniko na nakangiti pero napalis ngiti ko nang makita si Stanley kasama ni Abby magkahawak kamay na naglalakad papunta sa direksyon namin.

Andito na naman sila. Tsk. Hindi ko talaga makalimutan ang sinabi ni Abby nung isang araw. Next week na sila ikakasal, pinadali, malamang dinahilan lang nang bruha ang tatay niya na ang totoo natakot lang sa nalaman niya, psh, gusto ko lang namang takutin siya, wala naman akong ibang intensyon don at isa pa alam ko namang hindi niya sasabihin ang totoo kay Stanley dahil kapag ginawa niya 'yon sa ayaw at gusto niya mawawala sa kanya si Stanley, oo sigurado ako don, sabihin man nating gusto o mahal man siya nang lalaki kapag responsibilidad ang pag-uusapan panalo ako don, kung gugustuhin ko nga ginawa ko na kaya lang ayoko na kay Stanley, ayoko nang masaktan pa.

Kapag ipagsiksikan ko pa sarili ko at kahit may responsibilidad pa siya sa akin kung di naman na ako ang mahal niya wala din namang kwenta, hindi din naman ako magiging masaya, masasaktan lang talaga ako. Ngayon pa nga lang na makita silang magkasama para akong sinasaksak ano pa kaya kapag magkasama kami pero iba naman ang laman nang puso at isip niya?

"Heto na naman ang bruha." Bulong ni Arvin.

"Hi everyone." Bati ni Abby nang makalapit sila, napatingin ito sa akin at alinlangang ngumiti, nginitian ko ito. Siyempre plastic.

Napasulyap naman ako kay Stanley, seryoso lang siya, pero hindi siya sa akin nakatingin.

"Practice na?" Tanong ni Bernie.

"Maya na Captain, kakain muna kami." Ani Tommy naman.

"Oo may pagkaing parating from our beautiful Gel." Anang Solyie. Napailing ako. Dapat bang sabihing beautiful?

The FOOTBALL Princessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن