Chapter 135

2.5K 57 6
                                    


THIRD PERSON'S POV

Nakuyom ni Bryan ang kamao niya. Kitang-kita niya kung ano talaga ang nangyari pero ayaw niyang makigulo pa, para sa kanya mas okay ang nangyari, pabor iyon sa kanya, ang magkasira sina Gel at Stanley.

"Babe, dito ka lang pala." Ani Gessalie na pinulupot ang kamay sa braso ni Stanley. Hindi inaalis ni Bryan ang paningin kina Stanley kaya napansin ito ni Gessalie.

"Teka si Stanley 'yon huh. May kasamang babae." Bulalas ni Gessalie.

"Hindi naman si Gel 'yan, teka pupuntahan ko nga." Agad na pinigilan ni Bryan ito.

"Hayaan mo sila." Mariing sabi ni Bryan. Kumunot noo ni Gessalie.

"Bakit hahayaan? Si Gel ang niluluko ni Stanley dito." Himutok ni Gessalie.

Inakbayan ni Bryan ito.

"Mas lalo mo lang guguluhin relasyon nila. Let them fix their problem." Ani Bryan na hinila si Gessalie pabalik sa kumpulan.

*---***---*

"Wala pa din si Gel?" Tanong ni Renjie.

Tumayo si Rico.

"Pupuntahan ko siya." Anang Rico.

"Nasa banyo lang diba, ako na, pupuntahan ko siya." Sabi ni Staphanie.

"Oh Kuya si Step na ang bahala.", Anang Rey.

Umalis si Stephanie, napaupo si Rico sa upuan at inantay si Stephanie.

"Baka sumama pakiramdam kaya hindi na bumalik." Ani Bernie.

"Magpapaalam 'yon kung babalik siya sa kwarto niya." Ani Renjie.

"Hintayin na lang natin si Steph." Ani Wesley. Ilang sandali bumalik ito.

"Wala naman don." Ani Steph. Napakunot noo si Rico.

"Saan kaya siya nagpunta? Tatawagan ko." Ani Renjie. Agad itong pinigilan ni Rico.

"Ako nang tatawag." Sabi ni Rico na agad kumilos.

Ilang beses niya itong tinatawagan pero hindi nito sinasagot.

Napabuga nang hangin si Rico at bagsak ang balikat na bumalik sa mesa nila.

"Kuya ano nakausap mo ba?" Tanong ni Rey.

"Wala, hindi niya sinasagot."

"Baka nga nagpapahinga na. Hayaan na natin siya." Sabi ni Renjie.

Lumapit si Cherry sa kanila at naupo ito sa silyang katabi ni Steph.

"Nakasalubong ko si Gel mukhang badtrip na badtrip." Anang Cherry, napatingin si Rico dito.

"Tinanong mo ba kung bakit?" Rey asked.

"Oo, pero hindi niya sinagot sinabi niya na matutulog na siya." Sagot ni Cherry.

Napabuga nang hangin si Rico, ang iba naman natahimik.

"Teka si Stanley, may kasamang babae.", bulalas ni Solyie, napatingin ang lahat sa tinuri ni Solyie.

"Si Ms. Abby Lough 'yan, isa sa mga candidate nang Ms. Chicago." Anang Wesley.

"Bakit kasama niya 'yan?" Steph asked.

"I heard that Ms. Abby Lough personally choose our team para magpaturo nang football as a requirement nang Ms. Chicago." Paliwanag ni Wesley.

"Kaya pala. Maybe nakita ni Gel na kasama ito ni Stanley baka nagselos kaya nabadtrip." Anang Bernie.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now