Chapter 96

3.6K 95 10
                                    


AEIN'S POV

"Pres, sina Stanley at Bryan nagsusuntukan, walang umaawat." Ani Gessalie nang pumasok nang office, napatayo ako agad.

"Why?"

"I don't know, nadaanan ko lang sila." Ani Gessalie. Napabuga ako nang hangin, I am the President I have the responsibilities to stop them kaya naman
mabilis ako na tumakbo. Sumusunod si Gessalie sa akin.

"Nasaan sila?" I ask her.

"Nasa football field."-Gessalie. Mabilis kong tinahak ang football field, medyo malayo ito pero sana wala pang basag na mukha akong maabutan.

Malayo palang kita ko na ang daming tao nakikiusyuso, mapaestudyante, mapa teacher o faculty. Geeez, talagang pinanood lang nila, mga walang hiya ni hindi man lang inawat.

Nakipagsiksikan ako sa dami nang nanonood. Nakita ko ang dalawa ang dami na nilang sugat at pasa at mukhang magpapatayan nga talaga sila. Kailangan ko nang awatin ito.

" Pres, baka mapano ka." Ani Gessalie na pinigilan ako sa kamay, pero hindi ko iyon pinansin, tinabig ko kamay niya. Mabilis akong lumapit sa dalawang nagsusuntukan, I don't care kung matamaan man ako. Kailangan ko talaga silang mapigilan.

"STOP IT." I shouted out pero di pa din sila tumitigil. Hinila ko si Stanley palayo pero biglang sumuntok si Bryan at natamaan ako sa pisngi. They shouted my name pero hindi ko binibitawan si Stanley at inulak pa ito palayo kay Bryan.

"DAMN IT BITIWAN MO AKO." Stanley shouted at me pero hindi ko siya binitiwan, kahit pa tinutulak niya ako.

"THE HELL.. TULUNGAN NIYO AKONG AWATIN SILA." Sigaw ko sa mga naroroon, nagsikilos naman sila.

"Damn you Aein. Bitiwan mo ako, babasagin ko mukha nang lalaking 'yan." Ani Stanley.

"Sige nga basagin mo." Hamon naman ni Bryan. Lalong nangalit si Stanley na makalapit sa isa pero hawak siya nang mga kalalakihan.

"Tama na. Tumigil na kayo." Aniko then tumingin ako sa mga naroroon.

"Talagang nanood lang kayo, nasa loob nang school tapos wala kayong ginawa?" Inis kong sigaw sa kanila.

"Bernie, Solyie bring Bryan at the guidance office." Aniko. Hinila naman nila si Bryan at nauna sila.

"Come to me Stanley, hindi pwedeng ganito 'to." Seryosong sabi ko kay Stanley na sumunod naman at tumahimik na.

Sa guidance office kami dumiretso, hawak ko sa damit si Stanley, habang sina Bernie at Solyie hawak si Bryan na naunang pumasok.

"What happen?" Tanong nang guidance Counselor.

"Nagsuntukan sila nang maabutan ko Maam, kanina pa sila nagpapatayan at wala man lang tumulong, andoon ang mga faculty at ibang teacher pero wala silang aksyon na ginawa." Seryosong sabi ko.

"Okay, put your name here and you three the witness." Anang Guidance Counselor.

Nilista namin mga pangalan namin.

"Now Mr. Aniegor and Mr. Gil, tell me why are you fighting?" Tanong ng GC.

Nagtitigan ang dalawa, magkaharap sila sa upuan at kita ang kanilang galit sa isa't isa.

"Tell me." Ani GC.

"This guy nilagay niya sa panganib si Angela." Napatitig ako kay Stanley.

"What do you mean?" Tanong nang GC. Oo nga what he mean? Bakit at paano nalagay sa panganib si Angela?

"Nagpunta siya sa hospital at kung anu-anong sinabi kay Angela at nagdulot iyon kay Angela nang sobrang pananakit nang ulo. Angela was from surgery and had a servere TBI, hindi siya pwedeng mastress but this guy make her."

The FOOTBALL PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat