Chapter 100

3.8K 96 15
                                    

THIRD PERSON'S POV

"It is time to tell her the truth Señora." Napatingin ang Señora kay Nana Merasol.

"No! I won't tell her the truth. If I can hide it forever then I will do." Mariing sabi nang Señora.

Napaupo ang Nana sa harapang couch nang Señora at pinagmasdan nang mabuti ang Señora.

"May karapatan siya." Tumitig ang Señora sa Nana.

"May karapatan man siya o wala, wala akong pakialam. Ako ang nag-alaga at tumayong ina niya hindi ako papayag na makilala niya ang walang kwenta niyang ina." Bulalas nang Señora.

Napailing ang Nana.

"Kaibigan kita Marivona pero sa pagkakataong ito parang ayaw kong sumang-ayon sa'yo." Ani Nana.

Nagkatitigan ang dalawang may edad.

"Hindi iba sa'yo ang ina niya, humingi nang tawad at nagmamakaawa na si Jenica sa'yo pero matigas ang puso mo. Sa tingin mo ba ikakasaya iyon nang apo mo kapag malaman niyang ilang taon na palang umaaligid ang totoo niyang ina sa kanya handang magpakilala, handang bumawi pero ikaw ang humaharang, ikaw ang kumukontra. Ayaw mo bang makitang masaya ang apo mo sa piling nang sariling ina?"

Napakuyom nang kamao ang Señora.

"Sasaktan lang niya si Angela, believe me Merasol, iiwan din uli niya si Angela, hinding hindi niya ipagpapalit ang pamilya niya para kay Angela. Nagawa na niyang iwan ito dati nung sanggol pa hindi iyon magbabago ngayon lalo pa't malaki na si Angela at kayang kaya nang tumayo sa sariling mga paa." Mariing pangatwiran nang Señora.

Napabuga nang hangin ang Nana.

"May sakit si Angela, hindi ba dapat pagbigyan mo ang kahilingan niya?"-Nana

Umiling ang Señora.

" Hindi nasa binit nang kamatayan ang apo ko na dapat pagbigyan ang kahilingan, once na ibibigay ko ang hiling niyang makilala ang ina ano nang mangyayari? Sa pamilya namin, sa pamilya ni Jenica, sa buhay ni Angela? Everything will get ruin." Mariing lintaya nang Señora.

"Okay, if that is your decision wala akong magagawa. Tandaan mo lang once na malaman niya ang totoo you should be ready for the circumtances."

*---***---*

"Nica, hindi ka ba napapagod sa kakasunod sa kanya? Pwede ba ayusin mo ang buhay mo. Ayaw na nang tao sa'yo, kung si Jay--"

"STOP IT MOM. Gagawin ko ang gusto ko." Sigaw ni Nica.

Napabuga nang hangin ang mommy niya.

"Look at yourself. Nagpapakatanga. Hindi porket pinayagan ka nang daddy mo na makiagrelasyon kay Stanley ay ipagsiksikan mo na sarili mo sa kanya. Ayaw na nga nang tao di mo ba naiintindihan iyon?" Mariing sabi nang Ginang.

Umiling si Nica.

"Mahal niya pa din ako Mom, alam ko iyon, nagpapahard to get lang siya. Gusto lang niyang lambingin ko siya." Ani Nica.

"Geeez, you're crazy." Bulong nang Ginang.

"Ako ang una niyang minahal Mom, at naniniwala akong mahal pa din niya ako, kaya gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin, diba may kasabihang first love never die? At iyon ang pinanghahawakan ko, wala akong pakialam kung paulit-ulit niya akong itaboy, because I know one day babalik din siya sa akin." Determinadong sabi ni Nica.

Hindi na sumagot ang Ginang, pinagmasdan niya lang si Nica nang may awa.

Ilang sandali nagpaalam si Nica sa ina, bitbit ang mga gamit mabilis itong sumakay nang kotse niya at pinaharorot ito papunta sa paaralan nila.

The FOOTBALL PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora