Chapter 145

2.7K 62 0
                                    

AEIN'S POV

"Di busy huh?" Napaangat ako nang mukha, naupo sa tabi ko si Jane.

"Wala kang pinipirmahan sa office niyo?" She asked.

"Wala naman sa ngayon." Sabat ko. Kina Angela ako nakatingin, nagpapractice kasi sila.

"Buti naman pahinga ka muna sa pagiging busy. Kamusta nga pala kayo ni Nica?" Napatingin ako sa kanya.

Nginitian niya ako. May alam ba siya?

" huwag ka na kasing magdeny. *laugh* may development na diba? Tama ako?" Binaling ko sa panonood ang tingin ko. Pero wala naman akong dapat itago ehh. Nica and I was in good terms, nagkakaintindihan kami well mula pa naman noon pero iba kasi ngayon.

"Looking forward to see you both." Aniya pa. I heave a sighed. Kung saan man papatungo itong relasyon namin ni Nica hindi ko pipigilan, kung kami kami talaga.

"Ehh kayo ni Renjie? Kailan niyo balak sabihin?" Lingon ko sa kanya, natahimik siya bigla at napaseryoso ang mukha. Ngumisi ako.

"Halata na nga dinedeny pa. Sino ngayon sa atin ang nagdedeny?" Aniko pa.

Sumimangot siya.

"Diba sabi mo halata na edi wala na akong dapat pang aminin. Nakikita niyo na ehh." Aniya.

Napailing ako at muling pinanood ang laro nila Angela.

Napakunot noo ko nang makitang tinulak ni Abby si Gel.

"Ayan na naman, wala talagang kadala dala ang babaeng 'yan." Anang Jane.

Tumayo ako.

"Wala si Stanley kaya nagagawang mang away nang bruhang iyan." Sabi pa ni Jane, naglakad ako papunta sa mga ito. Asan nga ba si Stanley? Tatlong araw na siyang di nagpapakita simula nang bumalik kami nang school after nang kasalan nina Mr. Serano.

Tapos itong si Abby lagi nalang kinakanti si Gel, alam naman nang karamihan iyon pero kung umarte ang babaeng 'to parang siya pa ang inaway, minsan nakakapuno pero talagang kailangang hayaan dahil iyon ang bilin ni Mr. Serano kahit pa kasalanan nito. Diba mali? Pero kailangan naming sumunod dahil bisita siya.

"Damn you, kanina pa ko napipikon sa'yo, putcha kang bruhang half half." Nanggigigil na sigaw ni Gel.

Tumayo ako sa gitna nila.

"Let's talk about this." Seryosong sabi ko.

"Oo nga Gel." Anang Solyie naman.

"Talk? Iyang bruhang iyan ang kausapin niyo, di ko alam kung anong isyu niyan sa buhay at panay parinig at panunulak, kung ayaw mong magpractice edi huwag hindi ka naman importante sa team, arte lang naman nagagawa mo ni hindi ka nga marunong sumipa." Galit na galit na sigaw ni Gel.

"Really? Hindi ako marunong sumipa? What if I'll kick your f*cking face?" Sabat naman ni Abby. Lalong nagngitngit sa galit si Gel.

"Abby stop it. " mariing sabi ko, hindi nakinig si Abby lalo pa nitong kinakanti si Gel.

"Abby please tumigil ka na." Saway ni Bernie.

"Bruhang half half. Wala kang kwenta." Sigaw ni Gel tapos naglakad palayo pero nagulat ako, I mean kaming lahat nang sumugod si Abby kay Gel at sinabunutan ito. Agad kaming tumakbo at inawat sila. Si Abby ang hawak ko habang sina Bernie, Solyie at Tommy si Gel.

"You f*cking bitch. Akala mo hindi ko alam na nilalandi mo si Stanley." Abby said na pilit sumugod kay Gel. Kumunot noo ko. Nilalandi? Si Gel? Lalandiin si Stanley?

"Abby ang bunganga mo." Bulyaw ni Jane naman pero hindi iyon pinansin.

"Nilalandi? Aba'y hoy maghinay-hinay ka. Hindi ko siya nilalandi no." Sabat naman ni Gel.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon