Chapter 45

4.4K 125 2
                                    


ANGELA'S POV

"Gel." Sumimangot ako nang makita si Solyie. Ano na namang kailangan nang isang 'to?

"Oh bakit?" Magkasalubong ang kilay at nakangusong tanong ko. Kumamot siya nang ulo at tila nahihiya pa. Tsk, pabebe.

"Nakakalimutan mo na yata ako ehh." Aniya.

Kumunot noo ko.

"Nakakalimutan ang alin?" Walang ideya kong tanong naman. Tsk. Ano bang nakakalimutan ko?

"Sabi na ehh. The date."

I rolled my eyes. Tsk. Hindi pa din pala niya nakakalimutan, talagang gusto niyang magdate kami. Aist, ano ba 'yan, nakalimutan ko na sana pero siya ang hindi nakakalimot.

"Okay fine mamayang gabi, basta ikaw ang dumiskarte sa Captain Bipolar Jerk na iyon na lalabas tayo but don't tell him na magdedate tayo kundi sisipai kita." Aniko. Ngumiti siya at tumango.

"Akong bahala. He won't say no to me." Napataas kilay ko sa sinabi niya pero agad ko din naman siyang iniwan.

Tsk. Date with another Jerk, best friend nang Bipolar Jerk. Hanggang ngayon natatandaan pa din non ang date. Psh. Pagbigyan na, buti nga one date lang hinihingi, as I remember, nangako ako sa kanila na idedate ko sila nang two weeks? Or one? Aist, nakalimutan ko, pero okay nang pagbigyan nang isang beses huwag nang ulit-ulitin pa at kung magpupumilit pa sila nang another one naku naku pag-uuntugin ko na silang tatlo plus isama na ang Captain Bipolar Jerk na iyon.

"Gel." Napapitlag ako sa biglang pagtawag. Si Arvin.

"Arvin, bakit?" Lumapit siya sa akin.

"May naghahanap daw sa'yo, sabi ni Markiel na sabihan kita." Aniya. Kumunot noo ko. May naghahanap? Sino?

"Nasa office nang training field inaantay ka daw don. Sige mauna na ako, may gagawin pa ako." Aniya, tumango naman ako. Mabilis siyang naglakad paalis.

Kunot noo pa din akong nakatingin sa malayo.

Tsk. Sino namang naghahanap sa akin? Si Mr. Serano na naman ba? Tsk. Baka pagpilitan na naman akong bumalik nang Davao, puwes hindi ko siya papayagan, hindi ko siya hahayaan.

He won't control my life. Never.

I heave a sighed bago naglakad papunta sa training office nang field.

Nakita ko ang magarbo at mamahaling kotseng nakaparada sa harap nang office. Lalong kumunot noo ko, sino ang andito?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero nung malapit na ako natapilok ako at parang sarap magmura, tsk. Sino namang walang kwenta ang patalikod akong pinag-uusapan, nakakainis, nakakahiya, as in muntik na akong masubsob. Aih ano ba naman 'yan, nakakabadtrip.

Padyak nang padyak akong pumasok nang office pero natigilan ako nang makita sina Rico.

"Gel." Halos sabay silang tatlo tumayo. Kumunot noo ko tapos walang anu-anong tinalikuran sila at mabilis na lumabas pero habol habol nila ako at tawag tawag.

Lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Ano ba kasing ginagawa nila dito? F*ck, after nang ama nila sila naman ang nandito. Tsk. Nakakairita. Pinapainit nila ang ulo ko.

"Angela. Sandali." Ray shouted out pero hindi ko siya pinansin, tuloy-tuloy lang akong naglakad pero nagulat ako nang bigla akong hinila at isang mahigpit na yakap ang ginawa, hindi ko alam kung sino ang nakayakap sa akin hanggang sa makita ko sina Renjie at Ray.

"Why are you avoiding us?" Its Rico, siya ang nakayakap sa akin. I clenched my fist at tinulak siya pero muli niya akong niyakap.

"ANO BA RICO. BITIWAN MO AKO." I shouted pero humigpit lang pagkakayakap niya sa akin.

The FOOTBALL PrincessWhere stories live. Discover now