Chapter 16

397K 15.8K 8K
                                    

#ABNQ16 Chapter 16

"I am seriously against this," sabi ko kay Psalm habang papalabas na kami ng village nila. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na feeling ko e anytime, may babaril sa amin bigla.

"It'll be fine," sabi niya. "Turn right around that corner," sabi niya sabay turo.

"Kapag may nangyari talaga—"

"Nothing will happen, Joey. Just chill."

I glared at him for a second. "Paano ako magchchill?! Tinakasan natin 'yung security mo!" sabi ko sa kanya. Ewan ko rin kung paano nangyari at paano ako na-convince ni Psalm na itakas siya sa bahay nila! Basta ang alam ko, nasa loob na kami ng sasakyan ko. Huminto kami kanina kasi doon siya sumakay sa likod—nagtago sa ilalim ng kumot na lagi kong dala in case na malamig.

"They've been with me every single day. I just want a change," sabi niya.

"They're there for a reason. Alam mo ba kung saang pamilya ka galing?" medyo naiinis na sabi ko sa kanya. Tsk! Bakit ba ang galing kasi nitong mangonsensya? Napilit tuloy ako na itakas siya kasi hindi raw ako nagpakita sa birthday niya kagabi. E duh? Paano ako magpapakita e busy siya sa pag-inom at paglandi?

"I know, of course, but you can't blame me for being curious," he said, shrugging. "Do you know the way to Tagaytay or palit tayo and I'll drive?" he asked.

"I'll drive," sabi ko sabay hagis sa kanya nung ball cap. "Takpan mo na lang 'yang mukha mo."

Tawang-tawa siya. "You're so paranoid!" sabi niya habang tinatawanan ako. Hinatak ko siya, at saka nilagay ko sa ulo niya iyong cap. Binaba ko rin para hindi masyadong kita iyong mukha niya. Aba, walang masama sa pagiging safe. Paano kapag may nangyari sa kanya? E 'di lagot ako?

"Ang kulit!" sabi ko nung sinusubukan niyang tanggalin 'yung cap. "Suotin mo na, please?"

"Say please again."

"Ugh. Ang arte mo ngayon."

"Say please again, Joey."

I glared at him. "Lasing ka pa yata," sabi ko kasi ano'ng nainom nito? Nagpapa-cute yata. Ewan ko. Ngumiti lang siya sa 'kin, pero thank God sinuot niya na iyong cap.

"Can I roll the window down?" he asked.

I groaned. "Gusto mo ba talagang ma-kidnap?"

"My parents are just paranoid. Wala namang kikidnap sa 'kin," he said, shrugging. He seriously couldn't comprehend the fact na member siya ng isa sa pinaka-malaking political families sa Philippines. Of course palaging may gusto kumidnap sa kanya!

"Please lang. If you still want to go to Tagaytay, kalma ka lang d'yan. Or magpatugtog ka if you want."

"Nah. I'm enjoying the silence," he said.

"What?" sabi ko nung maramdaman ko na naka-tingin siya sa 'kin habang nagda-drive ako. Balak ko sana na 'wag na lang pansinin dahil feeling ko nasa sistema pa rin ni Psalm iyong lahat ng alak na ininom niya, but I couldn't shake the feeling off. Ramdam na ramdam ko na naka-titig siya sa 'kin.

"If I didn't go out earlier, you really won't greet me personally?" he asked.

Natawa ako. "Grabe. Ang serious mo naman masyado," sabi ko kasi feeling ko biglang ang seryoso niya. Na-awkward-an ako bigla. "Nagpunta naman ako sa party mo, 'di ba?"

"Yeah, but you didn't show up in front of me."

"Lasing ka na kasi agad."

"Why were you late?"

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon