Chapter 21

397K 15.5K 8.8K
                                    

#ABNQ21 Chapter 21

It was weird. In the truest sense of the word. Mabuti na lang at nandito si Kitty kasi kung hindi, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil kasama ko si Anj at Steele. Walang madaldal na si Matt na nakakapagpagaan ng sitwasyon. Kaming tatlo lang.

Steele was gently bobbing his head while drumming his fingers on the table. Panay tingin din siya sa relo niya.

"May pupuntahan ka?" Kitty asked. Pang-apat na tingin niya na kasi sa relos niya kaya napansin ko na rin nga.

He nodded a little. Wala siyang sinabi pero alam ko na si Andrea iyong pupuntahan niya. Iyong pag-ibig niya na kahit sa kabilang sulok pa ng Metro Manila nag-aaral, nagagawa niyang puntahan. Walang pakielam sa traffic.

"2 hours pa naman before next class natin. Punta ka na," Kitty said. Steele looked conflicted. 2 hours lang. 1 hour and 30 minutes ang byahe papunta sa school ni Andrea, 'di pa kasama kung malala ang traffic. Akala ko sasabihin niya na 'di siya pupunta, pero nagulat ako nung tumayo siya.

"See you later," sabi niya tapos nginitian si Kitty at Anj. Sa akin, he just gently nodded at me.

Napaawang iyong labi ko.

Ganon siguro talaga kapag nakita mo na 'yung mahal mo, no? Kahit ano'ng traffic, susuungin mo. Kahit gaano katagal iyong drive, kahit ilang minuto mo lang makita, ayos lang sa 'yo.

In a way, I finally felt at ease with how Steele and me ended.

At lease, totoong mahal niya iyong si Andrea. 'Di naman pala nasayang lahat ng iniyak ko. Nagkataon lang talaga siguro na 'di ako iyong babae na handa niyang gawin iyon. Pero naniniwala ako na dadating 'din 'yun. 'Di naman ako nagmamadali. Sabi nga nila, great things take time.

"Okay ka lang?" Kitty asked. Anj was looking at me, too. She looked really worried. Nginitian ko siya.

"Yeah, I'm fine," sagot ko. "Glad to see he's finally changed."

"He hurt you," tahimik na sabi ni Anj.

I smiled at her. Ang sarap talaga na mayroon kang kaibigan na concerned sa 'yo. Masaya ako na kahit papaano, nakakapag-usap na kami ni Anj nang ganito. True, it's still a far cry from how we used to talk, but I'd seriously take this over not talking at all.

"Ganon talaga. 'Di naman lahat ng tao swerte na sa first try nila, iyon na agad iyong end game. Malas ko lang na 'di ako iyong end game ni Steele. Pero naniniwala ako na dadating din iyong end game ko," I replied.

"Aww. Group hug!" Kitty said. She immediately hugged me. Si Anj, mukhang nag-aalangan. And thankfully, Kitty said, "Come on, Anj, hug na tayo! Girl power!"

I bit my lower lip. I really liked this moment.

* * *

Psalm, Matt, and Simon didn't come back after nila puntahan si Kia. Natapos iyong buong break namin na nasa coffee shop lang kami nila Kitty and Anj. After nun, bumalik na kami sa classroom.

"Di na kayo bumalik kahapon," Kitty said.

"Nilibre kami ni Kia, e," Matt said. Kinikilig pa siya habang sinasabi. Sanay naman siya makakita ng maganda kasi magaganda naman kami nila Kitty kaya ano'ng problema nito?

Naupo na lang ako at saka nagphone. Natigil lang ako nung dumating iyong prof namin.

"As part of your final requirement for graduation, your section needs to organize an event. As you know, certain protocols needed to be followed when it comes to dealing with diplomats," Sir said, "I'll email you the guidelines."

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now