Chapter 57

303K 12.8K 5.3K
                                    

#ABNQ57 Chapter 57

Biglang tumigil ang mundo ko. Parang biglang nais malagot ng hininga ko. Kanina pa nagsusumigaw ang isip ko na umalis na ako, pero hindi makuhang gumalaw ng mga paa ko. Basta ang alam ko, kailangan kong umalis—kailangan naming umalis.

"Joey—" Marcus said but I quickly cut him off.

"Umalis ka na," pakiusap ko.

Umiling siya. "Hindi kita iiwan."

"Marcus, please," nagmamakaawa kong sabi.

Ayokong mag-abot sila. Ayokong mag-usap sila. Ni ayokong nasa iisang lugar sila! Because the last time we were all together in the same place? Iyon ang unang beses na natakot ako kay Psalm...

And I didn't want a rerun of that. Dahil alam ko na hindi ko na sila pwedeng iwasan. Dahil alam ko na kahit ano'ng pagtakbo at pagtatago ang gawin ko, makikita at makikita ko pa rin sila... Kaya masama ba kung hihilingin ko na sana... Sana maging maayos kami sa isa't-isa? Kahit alam ko na napaka-imposible nun.

"Psalm—" sabi ko nang nasa harapan na namin siya. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko na alam kung paano siya kakausapin. Alam ko na ilang taon na ang lumipas, alam ko na mayroon na siyang iba... Pero alam ko rin na kahit na ganoon, mahirap na mapatawad ako.

"I almost believed you when you said that the two of you weren't together," sabi niya habang naka-tingin sa aming dalawa.

Mabilis akong umiling. "We're not together," I said because I didn't want him thinking that after him, I got together with Marcus. Kasi hindi iyon 'yung nangyari. Ayokong isipin niya iyon.

"You don't have to explain. After all, you cheated on me with him."

Parang biglang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Parang bigla niya na lang akong sinaksak sa dibdib.

"You threw away years of friendship and months of being together. All for him," he said while smiling at us. And it made me sick how he was trying to act like it was all okay. Even though we all know that nothing's ever going to be okay. "It would be such a waste if you two didn't end up together."

Nagsimulang lumabo ang paningin ko.

Nagsimulang sumikip ang dibdib ko.

Gusto kong magsalita, humingi ng tawad, ngunit walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.

"Joey, tara na," biglang sabi ni Marcus. Mabilis niyang hinawakan iyong kamay ko at hinila ako.

Umiling ako, at mabilis na pinunasan iyong mga tulang nagsisimulang bumagsak mula sa mga mata ko. "C-can we talk?" tanong ko habang naka-tingin sa kanya. Halos hindi na ako maka-hinga. Parang bigla na lang akong tatakasan ng malay, pero gusto ko siyang maka-usap. Gusto kong magpaliwanag. Kahit na alam ko na walang silbi kahit magpaliwanag ako, gusto ko pa ring gawin. Kahit alam ko na wala akong matinong dahilan kung bakit ko nagawa ang mga nagawa ko, gusto ko pa rin na malaman niya. Na kahit kailan, hindi ko sinadya na saktan siya. Na hindi ko pinlano na mangyari lahat ng nangyari.

That sometimes, things just happen.

And I'd forever blame myself for hurting him.

"Joey—"

"Marcus, please," I pleaded. I had been carrying this guilt for years. Pagod na pagod na ako. Pagod na ako na palaging magtago dahil hindi ko kayang makita si Psalm. Dahil alam ko na ako iyong may kasalanan. Dahil guilty ako.

Umiling siya. "Hindi kita iiwan."

Tumingin ako sa kanya. "Iniwan mo na ako dati, 'di ba? Bakit hindi mo na lang ulitin ngayon?" Kitang-kita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata niya. Pero kailangan kong gawin ito. Kailangan kong makausap si Psalm. Kailangan kong mailabas lahat ng nararamdaman ko. Dahil hindi ako makakausad sa buhay ko kung lagi kong dala-dala lahat ng pagsisisi ko.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon