#ABNQ37 Chapter 37
"Boyfriend mo," Jax said. Natigilan ako sa pagkain ko nung sabihin niya iyon.
"Ha?" naguguluhan na sabi ko sa kanya kasi ni wala man lang context iyong sinabi niya!
"Sa labas," sabi niya ulit tapos iniwan na ako. Tss. Ang sungit! Pagkatapos niya akong halos patayin sa gulat nung bumusina siya! Dahil mukhang wala sa mood si Jax makipag-usap sa akin, lumabas na lang ako.
And true enough, Psalm's car was there. Bagong sasakyan na naman. Hindi na talaga niya ginamit iyong sasakyan na pinag-iwanan ni Kia nung bangle niya.
"Good morning," he greeted with a smile pagpasok ko sa sasakyan niya. I was already dressed up kasi papasok naman na talaga ako sa school pagkatapos kong kumain. Hindi ko lang alam kung bakit nandito si Psalm kasi alam ko may training sila tuwing umaga kahit pa tapos na iyong season for this year.
"Bakit ka nandito?" I honestly asked.
"Tss," he replied. Kinunutan ko siya ng noo kasi parang na-offend siya sa tanong ko! "Masama bang sunduin 'yung girlfriend ko?"
Biglang nanlaki iyong mga mata ko sa sinabi niya. I felt my cheeks heating up because of what he said. Pakiramdam ko never akong masasanay na ganito si Psalm... na ganito siya ka-vocal sa mga gusto niyang sabihin sa 'kin.
"Di ba may training ka?"
He nodded. "Just finished."
"Tapos nagdrive ka agad dito?" He nodded again. Ako? I bit my lower lip so freaking hard para kunwari wala akong nararamdaman. Kasi ganito ba 'yun? Ganito ba 'yung feeling na ikaw naman iyong ineeffortan? Kasi dati, ako palagi 'yung nag-e-effort. Ako 'yung nagtetext. Ako 'yung nagtatanong kung kailan kami magkikita. Ako 'yung gumagawa ng paraan.
Tapos... tapos biglang ganito.
Ganito pala 'yung feeling.
Pakiramdam ko... pakiramdam ko nakaka-adik 'to.
"Have you eaten breakfast?" he asked.
"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko. Umiling siya. Tumingin ako sa relo. Kapag sa resto pa kami kumain, baka ma-late kami. Ako, 'di ko na afford ma-late dahil baka 'di ako maka-graduate sa dami ng absent ko.
I pursed my lips, and looked at him. "Uh... gusto mong kumain sa loob?" dahan-dahan na tanong ko sa kanya. 'Di pa kasi alam nila Papa iyong tungkol sa 'min. Ayoko naman na ma-ambush siya sa loob bigla.
"Are you sure?" he asked back.
"Ano... kung gutom ka na talaga," sabi ko. Sasabihin ko rin naman talaga kila Papa, pero syempre naghahanap ako ng tamang tyempo. 'Di naman nila alam iyong kay Steele dati. Ngayon pa lang ako magsasabi sa kanila.
Psalm tousled my hair. "We can just go to drive thru," he said.
"Sure ka?"
He nodded. "Yeah. Told you we'll do everything at your own pace," he continued.
"Psh. Ang considerate mo masyado. Baka masanay ako niyan," sabi ko tapos natawa siya. Nabigla ako nung bigla niya akong hinatak tapos niyakap. Naramdaman ko na hinahagod niya iyong likod ko habang yakap ako. It felt so good. It felt nice to be inside his arms.
"It's okay. I'm not going anywhere," he whispered in my ears.
"Wag ka ng magpromise. Gawin mo na lang," sagot ko sa kanya. I felt him nodding, and tightening the hug.
We hugged for a few minutes. Parang ang tagal kapag inisip, pero kapag nandun ka na, parang ang sandali lang. Natigil lang kami sa pagyayakapan nung kumatok si Jax sa bintana tapos inabot sa akin iyong bag ko. Naiiling na natatawa si Psalm habang nagda-drive palabas ng village.
BINABASA MO ANG
Almost, But Not Quite (COMPLETED)
General FictionFrom strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be together. Paano ba naman, ex niya ang best friend nito! Psalm had seen her at her lowest, and she didn...