Chapter 20

396K 15.5K 7.1K
                                    

Hi. If you have tweets about ABNQ, please use the hashtag. I stalk when I have time :D Or tweet me @beeyotchwp thanks x

#ABNQ20 Chapter 20

I didn't know what was wrong with Psalm. I wished I knew, but I really didn't. Kaya nung tinanong ako nila Kitty kung bakit umuwi na si Psalm, wala akong nasagot. They didn't push it, though. Parang tinanggap na lang nila na biglang nawala sa mood si Psalm kaya umuwi na lang. I found it curious na wala na silang follow-up question because the thing about my friends, wala silang boundaries. We always want to be included in each one's life, so dapat alam namin lahat.

"Bayaan mo na 'yun, may problema lang," Matt said in a consoling tone. Tinignan ko siya. "Di galit sa 'yo 'yun."

"Not sure about that," I said, sighing.

Nasa labas kami. Nung una, ako lang 'yung lumabas sa kalagitnaan ng movie kasi 'di ko na talaga ma-feel dahil hindi ko naman naumpisahan. Nung umalis kasi si Psalm, hindi rin ako nakaalis agad sa parking lot dahil nabigla ako sa nangyari.

It's like... boom.

Parang sumuko siya.

"Nag-iisip lang 'yun. Kausapin mo na lang ulit bukas."

"Pano kapag 'di ako pinansin?"

I was sitting on the floor, almost hugging my knees. Matt squatted beside me, then patted the top of my head. "Sumbong mo sa 'kin, awayin natin," he said, and that made me laugh a little.

Things didn't suck that bad. I still had my other friends...

* * *

Pag-uwi ko, I let out a deep sigh. I ended up not watching the movie, and nadamay pa si Matt sa akin. So, sa labas na lang kami tapos kumain ng popcorn hanggang maka-labas sila Kitty. Tapos, nag-Uber na lang kami since iniwan kami ni Psalm e siya iyong may dala ng sasakyan.

"Problema mo?" Jax asked.

"Psalm's being weird," I said.

"Maybe you pissed him off."

I glared at him. "Ako agad may kasalanan?"

He nodded. "Most probably, yes," sabi niya. "Ano'ng ginawa mo?"

Tinignan ko si Jax. Lalaki naman siya. Baka pwede niya akong bigyan ng point of view ng lalaki. Sinubukan ko namang tanungin si Matt, pero puro vague answers lang nakukuha ko. At saka isa pa, loyal sila kay Psalm. Asa naman ako na sasabihin nila kung anuman 'yung problema nung broccoli na 'yun.

"Kasalanan mo 'tong lahat, e," I replied, glaring at him even more. "Pinauso mo pa kasi 'yang Tinder!"

Biglang namula na naman iyong mukha ni Jax nung banggitin ko iyong Tinder. He squinted his eyes at me, before attempting to stand up and leave. See? Ayaw niyang pag-usapan iyong Tinder. Pero siya talaga may kasalanan nito, e!

"Hoy!" sigaw ko nung iwan niya ako sa sala mag-isa. Tignan mo 'yun! Tatanungin ako kung ano'ng problema, tapos iiwan ako bigla! Mga lalaki nga naman, ang gugulo minsan!

Kinabukasan, kinakabahan ako sa pagpasok kasi wala talaga akong clue kung kakausapin ba ako ni Psalm, o pagpapatuloy niya iyong pag-ignore sa existence ko. Kung dati 'to bago kami naging close, hindi ko naman didibdibin nang ganito.

Hirap kasi, alam mo 'yun? 'Yung close na kayo, tapos biglang may problema. Tapos kapag tinanong mo, ayaw namang sabihin. 'Di naman ako manghuhula!

"Si Psalm?" tanong ko agad kay Matt nung makita ko siya sa room.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon