#ABNQ61 Chapter 61
Five years ago...
Umiling ako. Nakita ko iyong pagkrus ng lungkot sa mga mata niya, pero mas pinili ko na 'wag iyong pansinin. I already messed things up before, and I didn't want a rerun of that. I didn't want to go through the same situation again. Alam ko na mas lalo lang akong hindi makakapagfocus sa pag-aaral ko kung palagi kong aalalahanin si Psalm.
"Joey—" he said, but I quickly cut him off.
"I can manage," I said, wiping the tears off of my face. "I'll... I'll just study harder," sabi ko habang tumatayo. Sobrang bigat ng dibdib ko. Hanggang ngayon, may malaking parte pa rin sa akin na hindi makapaniwala sa mga nakita ko kanina. Alam ko na ginawa ko lahat ng makakaya ko... But it sucked to know that my best wasn't good enough.
Kulang.
Kulang na kulang pa.
"Joey, hindi ito 'yung oras para pairalin mo 'yung pride mo," kalmado niyang sabi. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Masyado pang magulo ang sistema ko dahil sa lahat ng mga nangyayari. "Sa takbo ng mga nangyayari, hindi ka makakapagsecond year."
Biglang bumagal ang tibok ng puso ko. Sumikip ang dibdib ko. Nagsimula na namang lumabo ang paningin ko.
"Alam ko na ayaw ni Psalm na kausapin mo ako," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa akin. "Naiintindihan ko. Pero hindi tungkol sa kanya 'to."
Ibinalik ko ang tingin niya.
"I don't want to fight with him," I said. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Gusto ko lang na mag-aral. Gusto ko lang na makasama si Psalm ng hindi kami nag-aaway. Were those really too much to ask?
Marcus took a step forward.
I held my breath.
"This is about you. This is about your dreams, Joey. Sabi mo gusto mo 'to, pero bakit hindi mo ginagawa lahat ng paraan para makuha mo 'yung pangarap mo?"
My lips parted. I wanted to reason with him, to make him understand how I shouldn't do this—how I shouldn't even be considering doing this—but reason escaped me. Tanging si Psalm lang ang dahilan kung bakit ayokong tanggapin ang tulong niya.
But Psalm was reason enough.
Psalm put up with all my shit—ito lang ang tanging hiling niya sa akin, kaya bakit hindi ko pagbibigyan?
Kaya naman umiling ako. No matter how tempting his offer was, I knew what I should choose. It's Psalm before, and it's still Psalm now.
* * *
Weeks passed, and I was barely sleeping. I could feel my body slowly giving up. Ma-swerte na iyong dalawang oras na tulog ko kada gabi. Hindi ko sinasabi sa mga magulang ko o kahit sa mga kaklase ko kung ano ang nangyayari dahil alam ko na magagalit sila sa akin.
But it's either this or I'll fail.
Hindi ako kagaya nila na madaling maintindihan lahat ng concepts na tinuturo sa school—I needed to double my effort kung gusto kong tumagal, triple even. So, even if I felt like I was slowly killing myself in law school, even though I was starting to feel empty and hollow on the inside, I kept mum.
This was my choice.
Kailangan ko 'tong panindigan.
"Joey, nag-aalala na ko sa 'yo," seryosong sabi ni Nikka.
BINABASA MO ANG
Almost, But Not Quite (COMPLETED)
General FictionFrom strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be together. Paano ba naman, ex niya ang best friend nito! Psalm had seen her at her lowest, and she didn...