Chapter 39

401K 16.2K 6.6K
                                    

#ABNQ39 Chapter 39

True enough, Psalm tried to teach me Chemistry—try being the operative word. Iyong mga areas na naguguluhan ako, mas lalo lang akong naguluhan nung tinuro ni Psalm. I swear, kung confused ako, mas confused siya!

"Fuck," I heard him cursing nung nalimutan niya iyong sasabihin niya. I felt like may script siyang sinusundan kasi may binubulong siya sa sarili niya bago siya magsalita. Pupusta ako na nagpaturo pa 'to sa isa sa mga pinsan niya bago ako tinuruan.

I pursed my lips to stop myself from smiling kasi sobrang cute niyang makita na frustrated. I mean, the thought that he wanted to tutor me was more than enough. Hindi naman niya kailangang gawin, but here he was, struggling to explain to me the balancing chemical equation.

"Break muna?" I asked kasi mukhang konti na lang ma-no-nosebleed na kaming dalawa.

He groaned. "I swear, I got this, Joey," sabi niya tapos tinignan iyong notes niya.

I bit my lower lip. "You sure?"

He nodded. "Just one sec," he said tapos naka-kunot iyong noo niya na binabasa iyong notes niya. Nanatili akong nakaupo habang pinapanood siya. Nilabas ko rin iyong phone ko tapos kinuhanan siya ng picture. I posted it in my IG story tapos nilagyan ko ng caption na 'Chem teacher. New career?'

Binaba ko iyong phone ko nang mapansin ko na wala na si Psalm sa harapan ko. Nasa gilid siya habang hawak ang phone niya. Nasa bewang iyong isa niyang kamay, at kahit naka-talikod siya, ramdam ko iyong frustration niya.

"Yeah, after that?" sabi niya. "I get that, but why can't the equations—I'm doing it right!" He sounded really frustrated, and I was a bad girlfriend for thinking how cute he was. Kulang na lang yata e iyakan niya iyong libro para lang maintindihan ko nang mabuti.

"Psalm," tawag ko sa kanya paglipas ng isang minuto. Lumingon siya sa akin, at pansin na pansin ko na grabe iyong pagkaka-kunot ng noo niya. I bit my lip to stop myself from laughing kasi natatawa talaga ako. I mean, ako nga na gusto iyong Science pero naguguluhan, siya pa kaya na hindi naman inclined at pinipilit lang para sa akin?

"I promise, I can get this," sabi niya kahit wala pang lumalabas sa bibig ko. I pressed my lips harder, and looked at him. "I... I'm sorry. It's been really long since I last studied Science," sabi niya na parang disappointed siya sa sarili niya.

I tapped the space beside me. "Upo ka sa tabi ko," sabi ko nung hindi siya gumalaw. Naupo si Psalm sa tabi ko. Tumagilid ako, at saka humarap sa kanya. I held his face, and gave him a big smile. "Thank you," I said.

"For what?" he asked.

"For this. For trying."

He sighed. "Sorry," he said.

I frowned at him. "Kain na tayo?"

"We're not finished yet," sabi niya sabay tingin doon sa reviewers na binili niya para turuan ako. May mga naituro naman na si Psalm sa akin, pero habang tumatagal, nalilimutan niya iyong mga tinuro sa kanya. I could sense his frustration, and as much as it entertained me, I didn't want him frustrated.

"Okay lang. Kaya ko na siguro 'yan," sabi ko sa kanya. Ayaw pumayag pa ni Psalm, but in the end, napilit ko na rin siya na umalis na kami. Siya iyong may hawak nung mga reviewers habang naglalakad kami. Today was a good day, and I was glad that I was sharing it with Psalm.

"Ano'ng plan mo after grad?" I asked him. I vaguely remembered asking him this before, pero ang naaalala ko ay wala akong nakuhang matinong sagot sa kanya. Gets ko naman kasi mahirap talagang alamin kung ano ang mangyayari after graduation. It was so scary... thinking that your whole life's officially starting. Na kung anuman ang mapili mong gawin, you could end up doing it for the rest of your life. Sobrang nakaka-takot.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon