Chapter 46

325K 13.1K 6.3K
                                    

#ABNQ46 Chapter 46

"Hey!" I said when Psalm answered my call. "Sa work ka pa?" tanong ko sa kanya. Kasalukuyang nasa study room ni Papa si Marcus. Medyo matagal na sila doon, at habang tumatagal, mas lalo lang akong na-cu-curious sa pinag-uusapan nila. I mean, they were talking about the scholarship, so what's taking them so long?

I heard him sighing. "Yeah."

"You sound so bored," I commented. Ever since magstart siya sa office ng Papa niya, parang never na natuwa si Psalm. Alam ko na iba iyong gusto niyang gawin, and I'd fully support him on that. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw niya pang sabihin sa parents niya iyong plano niya. His parents are really supportive, so I didn't see where Psalm was coming from.

And he's really good at basketball. I didn't see why he's hesitant on being a professional player.

"Nah, I'm fine," he said. "Are you still feeling sick?" he asked. "Did you take your meds already?" sunud-sunod niya ng tanong.

Nahiga ako sa sofa habang kausap ko siya. I played with my hair while talking to him. It would be a lot better if he's really here with me because I could lay my head on his shoulder. Ewan ko. I just really feel comfortable around Psalm. Siguro kasi matagal na kaming magkaibigan bago kami naging ganito?

And he'd already seen me at my worst—nakita niya na akong walang kilay! I didn't think I'd ever have to hide anything from him anymore.

"Kumain na po ako, 'di ba sinend ko sa 'yo kanina 'yung breakfast ko?"

"It's already lunch time," he reminded me.

I groaned. "Alam mo, minsan 'di ko alam kung tatay ba kita o boyfriend," sabi ko habang tumatayo para pumunta sa kusina. Naglalakad ako papunta sa cupboard para kumuha ng tinapay.

"You know I can both be your boyfriend and your daddy," sabi niya.

Muntik ko nang mabitawan iyong bote ng garlic bread spread dahil sa sinabi niya. Mabilis kong naramdaman iyong pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Psalm!" sabi ko na parang na-eskandalo ako sa lumabas sa bibig niya. Bigla kong narinig na tumatawa siya. Walangyang 'to! Tuwang-tuwa talaga siya kapag ginaganito niya ako! Kapag talaga ako gumanti sa kanya!

"Sorry, sorry," he said, still laughing. "I'm just really bored here, Joey."

Mas okay nga siguro talaga kung nandito siya kasi sasabunutan ko talaga siya! Lagi na lang akong pinagti-trip-an!

"Sabihin mo na kasi kila Tita na gusto mong maglaro professionally," sabi ko. "I'm sure they'd be okay with that."

Hindi agad siya nakapagsalita. Alam ko na may dahilan kung bakit hindi niya pa rin sinasabi kila Tita Anna hanggang ngayon iyong gusto niyang gawin sa buhay niya. I wanted to ask him, but also I wanted to wait until he's ready to tell me. Ayoko kasi siyang pilitin, pero gusto ko rin na alam niya na nandito lang ako. Na ready ako palaging makinig sa kanya.

"I know," he replied. Hindi ako nagsalita. "I'll tell them. Soon."

I sighed. "Okay," I said. "Anyway, kumakain na po ako ngayon," sabi ko sabay subo ng sandwich. Naglalakad na ako pabalik sa salas. Gusto ko kasi agad maki-balita kung ano iyong nangyari sa pag-uusap nila Papa at Marcus.

"You know, you have to stop saying po to me, or else I'd have to force you to call me daddy," Psalm said.

"Psalm Christian!" sabi ko dahil naibuga ko 'yung sandwich dahil sa ka-da-daddy niya! Bwisit na broccoli 'to! Masama talagang ma-bored dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip!

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon