Chapter 58

319K 11.2K 1.6K
                                    

#ABNQ58 Chapter 58

Six years ago...

"Hi?" I said as soon as I answered Psalm's call. Today was a Sunday, and I was supposed to drive back to Manila para umuwi sa bahay, but I slept in. Literal na wala akong tulog buong linggo dahil sa dami ng exam. And as much as I wanted to go home to see my family, mas pinili ng katawan ko na matulog.

And that meant I also wouldn't see Psalm today. I promised him na magde-date kami ngayon kasi after two weeks, ngayon lang ako naging free. Hindi madali sa akin iyong medschool dahil sa aming lahat sa section, ako lang talaga iyong kakaiba ang college background na pinanggalinhan. I had to hustle twice as hard para lang maka-sunod sa kanila.

"I'm sorry, kaka-gising ko lang..." sabi ko sa kanya. I was holding my phone with one hand, while getting bread from the cupboard. Sobrang gutom na gutom na ako dahil pagkatapos ng exam kahapon, literal na halos gumapang na ako pauwi dahil miss na miss ko na iyong kama ko. At pagdating ko sa unit, diretsong natulog na ako. Ni hindi na nga ako nakapaghilamos ng mukha sa sobrang pagod!

"How was the exam?" he asked.

Naupo ako, at saka nilagyan ng palaman iyong tinapay ko. I wasn't in the mood for bread, but wala ng laman iyong cupboard ko dahil two weeks na akong hindi lumalabas bukod sa unit at school. I even asked both Psalm and my family not to visit me dahil mahahati iyong oras ko sa pag-aaral dahil syempre kailangan ko silang ientertain.

"It was... fine," I said, trying not to sound too defeated. Hindi ko alam kung ano iyong mararamdaman ko pagkatapos ng exam. Nahati ako sa saya dahil sa wakas tapos na iyong exams, but at the same time, ang sakit lang na nag-aral naman ako pero ang dami ko pa ring hindi nasagutan. Siguro sa kalahati ng exam, ilang beses kong namura iyong sarili ko dahil bakit ang tanga ko? Bakit hindi ko alam iyong sagot?

"You want me to go there?"

"Hapon na..." sabi ko sabay tingin sa labas. Medyo madilim iyong langit. Siguro dahil gusto niya akong sabayan sa lungkot na nararamdaman ko dahil sa exams ko kahapon. "Tapos mukhang uulan pa."

"I don't care. Do you want me there? Because I'll really go, Joey," sabi niya na puno ng determinasyon.

I smiled because every time I'd talk to Psalm, I'd be reminded that life wasn't all that bad. It couldn't be that bad. I just needed to study more, to exert more effort para mas gumanda iyong grades ko.

"Baka ma-aksidente ka pa. Next weekend, didiretso agad ako pauwi. Cancelled iyong class ko ng Saturday dahil may seminar 'yung prof ko. Friday night uuwi na ako," sabi ko habang naka-ngiti.

"But I miss you already."

"I miss you, too, but ayokong mapagod ka kaka-drive," I said. "Besides, 'di ba may presentation ka pa this Monday?"

"You remember?" sabi niya na nagtataka. Natawa ako. Minsan kasi kapag magkausap kami, sinasabayan ko ng basa sa libro ko or sa notes dahil pakiramdam ko, kulang na kulang iyong 24 hours sa isang araw sa dami ng inaaral ko. Psalm must've felt neglected dahil hati ang atensyon ko palagi.

"Of course I remember. Nakikinig naman ako kapag nagsasalita ka," I said.

"Let's FaceTime instead," he said.

"I look horrible!" sabi ko. Hindi ko kasi sinagot iyong FaceTime call niya dahil ang pangit ko talaga ngayon. Dalawang linggo akong legit na walang tulog kaya mukha na akong eyebags na tinubuan ng tao! Plus lately, ni hindi na ako nakakapagkilay dahil sa sobrang busy! Tinutukso tuloy akong alien ng iba kong classmate kasi puro daw ako noo. Tss.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now