Epilogue (Part 1)

500K 15.6K 10.2K
                                    

#ABNQEpilogue Epilogue (Part 1)

I was ready. I brought everything I needed for this trip. I needed everything to work smoothly dahil hindi biro ang pinagdaanan ko para lang hindi magduda ang parents ko na kaming dalawa lang talaga ni Psalm ang pupunta sa Kyoto. And Psalm also had second thoughts bago kami sumakay sa eroplano. He felt bad na nagsisinungaling kami sa parents ko. Of all the things he'd feel bad about! Hindi ba siya naaawa sa akin?!

While we were at the plane, I kept on asking for champage habang panay naman ang pigil sa akin ni Psalm.

"We can't enjoy Kyoto if you're drunk."

Inirapan ko siya. "Alam mo..." I said, then paused because I didn't want to start a fight with him kahit na naiinis ako nang malaman ko na inn iyong binook niya para sa aming dalawa. Isa daw sa consideration niya iyong dalawang kwarto. Muntik ko na siyang sabunutan kanina, but I fought against it. I needed to calm myself habang nasa Pilipinas pa kami.

"What?" he asked when I didn't finish my sentence.

I shrugged, then took a sip of my drink. "Nothing. Just wake me up pag nandun na tayo," I said before I closed my eyes. I really did fall asleep because I was tired from the shift that I pulled last night. Kinailangan ko na galingan sa ospital para payagan akong umalis. Sobrang kulang kasi iyong mga doktor sa public hospitals kaya pahirapan talaga humanap ng timing para umalis.

But I seriously think that God was on my side dahil naka-hanap ako ng schedule for me. I think it's God's way of saying na dapat ko talagang ituloy ang plano ko kay Psalm.

"Joey..." I heard Psalm calling my name. Pagbukas ko ng mga mata ko, siya agad ang una kong nakita. Nakaramdam agad ako ng inis dahil naalala ko na naman iyong room arrangement namin. "We're here."

"Ah," I simply said. Biglang nagkaroon ng pagtataka sa mga mata niya dahil sa tono ng sagot ko, but as Psalm usually was, he just let it pass. One of the things I love about him? His patience with me. I am well-aware that I'm not the easiest person to be with, but with Psalm, he always makes me feel like I am easy to be around. He makes me feel good.

We grabbed food first bago kami sumakay sa train para pumunta sa Kyoto. Tahimik lang ako habang nasa byahe lang kami. Panay ang tingin sa akin ni Psalm, pero 'di ko siya pinapansin.

"Joey," tawag niya nang hindi na makatiis. "Did I do something wrong?"

Kapag hindi ko siya pinapansin, palagi niyang inaassume na may nagawa siyang masama. Iyon agad ang una niyang tanong. Hindi why are you mad?

"Wala," sabi ko sabay bigay ng ngiti sa kanya. I felt guilty because I was being hard on him for no logical reason. Hindi ba dapat masaya ako na ginagalang ako ni Psalm? Na hindi siya gaya ng ibang lalaki na katawan lang iyong habol?

But damn! I couldn't think logically tuwing naiisip ko na konting taon na lang, thirty years old na ako! Dahil sa tuwing naiisip ko iyon, sobrang tempted ako na talunin na 'tong si Psalm Christian para makita kung hanggang saan lang talaga ang pasensya niya pagdating sa akin.

After the train ride, naka-rating na kami finally sa Japanese style inn na binook niya para sa amin. I found myself relaxing at the view. Medyo nawala iyong inis ko kay Psalm dahil doon.

"Are you hungry?" he asked, trying to talk to me dahil 'di ko siya pinansin buong train ride. Nagkunwari ako na natutulog ulit para lang 'di siya makausap.

Umiling ako. "Tulog muna ako."

He looked at me, then sighed. "You were asleep the entire flight pati sa train ride. What did I do wrong again, Joey?" he asked using his sad voice.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon