Chapter 18

409K 15.5K 9K
                                    

#ABNQ18 Chapter 18

I was seriously going out of my freaking mind! Pagbalik namin sa school, I already had an inkling kung ano ang mangyayari. What happened last Sunday was a premonition of what's about to happen. At alam ko na kahit mag-iiyak ako sa harapan nila Psalm, hindi ko na sila mapipigilan sa gusto nilang gawin.

"I seriously fucking hate you," sabi ko kila Matt. Kakatapos lang magdismiss ng klase na wala naman kaming ginawa kasi kakatapos lang ng exams. The guys were so excited for the class to end na nauna pa silang lumabas. Kitty was laughing like it was so entertaining, while Anj looked clueless. Magkakatabi kami ngayon since nung birthday lunch ni Psalm, medyo nagkausap na kami. We still weren't back on our normal speaking terms, but this was an improvement.

Even Steele was joining Psalm in his stupid Oplan Finding Marcus.

Matt patted the top of my head. "Okay lang, mahal ka pa rin namin," sabi niya habang tumatawa. Naunang lumabas iyong mga lalaki. Seriously, nagkukumpulan sila. I even heard them spilling the list up para isa-isa nilang makita! Ang sarap kausapin ng coach nila para sabihin na ang daming time ng players niya!

Since the guys left, naiwan kaming tatlo nila Anj. I knew that Kitty knew that Anj and I were not completely okay yet, so she's acting as the arbiter.

"Hindi ko alam kung bakit kaibigan natin sila," sabi ko habang tinitignan iyong mga lalaki palayo. Mukhang nag-e-enjoy talaga sila kasi naririnig ko pa sila na tumatawa. They're surely freaking enjoying my misery.

Kitty laughed. "Ang cute kaya nila."

I rolled my eyes. "Cute my ass. Hintayin mo na magka-boyfriend ka, tignan mo kung gaano sila ka-annoying."

Kitty shook her head. "Nah. I don't think it'll be the same," she said, grinning at me. She, then, turned her head at Anj—who looked clueless. Then, Kitty looked at me. I gave her a nod, signaling na okay lang naman na sabihin niya kay Anj. 'Di ko kasi masabi kasi medyo awkward pa rin for me, pero okay lang naman if siya ang magsasabi.

Naglalakad kami papunta sa cafeteria habang sinasabi ni Kitty kay Anj iyong mga nangyari. Kitty told it so animatedly na dahilan kung bakit napailing na lang ako. Feeling ko tuloy sobrang bored ng mga friends ko kaya ako na lang pinagti-tripan nila.

"Hindi mo kilala si Marcus?" hindi napigilan na itanong ni Anj.

I shook my head. "Hindi... bakit?"

Kitty laughed. "It's just really weird, Joey. Marcus is like the poster-boy of our school. Model student. You know?" she explained.

I just shrugged. "Hindi naman ako masyadong involved sa kahit ano'ng nangyayari sa school. Bumuboto lang ako kapag elections dahil sa 'yo," I said, then she gave me a side-hug dahilan kung bakit muntik na kaming matumba.

"Love you," she said.

"Love you, too," I replied. Then, I noticed that Anj's face suddenly looked sullen. Gusto ko tuloy biglang suntukin iyong sarili ko dahil ang insensitive ko. "Anyway, saan tayo kakain?"

"Don't change the subject!" Kitty chided. "Ano'ng gagawin mo if malaman nila kung sinong Marcus iyong hinahanap nila?"

"Nothing," I replied. "Kasi hindi naman ako aamin, at wala rin kayong sasabihin."

Kitty laughed. "Oh, Joey, you're belittling the skills of the desperate," sabi niya hanggang makarating kami sa cafeteria. Pagdating namin doon, nagvolunteer ako na ako na lang ang bibili dahil mukhang engrossed na engrossed sila sa pinag-uusapan nila—si Marcus. Also, I didn't want to listen to anything about him. Ayoko lang ma-curious. Ilang buwan na lang kasi tapos na iyong class, so I didn't really see the sense.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon