Chapter 52

336K 12.2K 3.4K
                                    

#ABNQ52 Chapter 52

Six years ago...

"I'm okay, Ma," I said for the hundredth time. Kasama ko sila kahapon dito para maghanap ng matitirhan. We looked all day para lang ma-satisfy si Mama na safe iyong tutulugan ko. I think she even bribed the guard para lang 'extra' safe ako—if that's even a thing. Pinuno niya rin iyong unit ko ng groceries, and gave me an ATM card plus increased the limit of my credit card. Takot yata siyang magutom ako.

"I'm just gonna go sa school ngayon para mag-enroll and get other things," I said while I was walking towards the elevator. The school was just a few minutes away. Mamaya pa iyong schedule ng enrollment, but I wanted to go there early para makauwi din ako nang maaga.

Upon arriving, I went to the admission office. The process was smooth. Nakuha ko na iyong certificate ko pati iyong nameplate ko. I was beaming like crazy upon seeing my name on the nameplate. I think it was that first time that I smiled in days. It felt kinda weird.

The next few days were me trying to adjust to the fact that I was living alone. It was... different. Different in a good way. Hindi kagaya ng dati na may konting problema lang ako, nandyan na agad si Jax o mga kaibigan ko. Ngayon, I had to face things on my own... and I think it would be good for me. Alam ko naman na hindi pwede na palaging may tutulong sa akin. Because in the end, I only have myself.

"Yes po?" sagot ko sa phone nang tumawag sa akin iyong sa lobby.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo," sabi ni Kuya Mori, iyong guard na sinabihan ni Mama na bantayan ako. Parang bata.

"Sino po?" I asked. Kasi kung family ko 'yun, malamang sasabihin ni Kuya kasi alam niya naman itsura nila Mama, Papa, pati ni Jax na kunwari ayaw pa akong ihatid.

"Ano'ng pangalan mo, 'toy?" rinig kong tanong niya. "Lakasan mo, 'di ko marinig."

I was tapping my fingers against the side table, waiting for the answer. Sino naman kaya ang pupunta? I mean, alam ko sinabi ko kila Matt kung saan ako nakatira. We're still friends. Kahit 'di ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Psalm, hindi ako papayag na madamay iyong sa aming magkakaibigan. We're better than that.

"Psalm daw po, Ma'am."

My fingers froze.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko.

"P-po?" naguguluhan na tanong ko. "P-Psalm po?"

"Oo, kakilala mo ba? O papaalisin ko na?" tanong niya sa akin.

Mabilis akong napatayo, hindi alam ang gagawin. Shit! Hindi ko alam kung bakit siya nandito! Hindi ko alam kung bakit siya pumunta! Ever since that night, hindi siya nagparamdam sa akin! It made me wonder if we'll ever talk again because no one knew where he was! Tapos bigla na lang siyang susulpot dito?

"Psalm po? Matangkad, tapos kulot?" tanong ko, paninigurado. Ramdam ko iyong bilis ng tibok ng puso ko. Iniisip ko pa lang na makikita ko siya, parang nagwawala na ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin o sasabihin kapag nakita ko siya.

"Oo tapos mukhang problemado," sabi ni Kuya. "Boyfriend mo ba 'to?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. We never broke up. Technically. We just took a few days off we needed to think. We needed to think where this was going. Because I seriously didn't want to continue if there's no trust between us. Kasi mahalaga 'yun. Ayoko na tuwing wala ako sa paningin niya, iniisip niya na may iba akong kasama. Hindi dapat ganon. Kailangan niya akong pagkatiwalaan kasi ganoon din iyong gusto ko para sa kanya.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon