Chapter 29

371K 14.5K 3.6K
                                    

#ABNQ29 Chapter 29

Hindi ko alam kung ano iyong mas ayos. Iyong iniiwasan niya ako, o ngayon na nginingitian niya na ako pero alam ko na mali. Na hindi niya dapat ako ngitian kung nasasaktan siya.

"Hi," Psalm greeted.

"Hello," I replied. I didn't smile. I didn't let my stare linger. Kasi iyon iyong hiling niya sa akin. Na hangga't maaari, 'wag akong titingin. 'Wag akong ngingiti.

Kahit masakit, sige. Gusto ko lang naman siyang maging okay.

He nodded his head, then headed at the other side. Iyong pinaka-malayo sa akin.

"Buti naman okay na," Kitty suddenly mentioned. We were down to the final touches for the party on the weekend. After nun, makaka-hinga na kami nang maluwag dahil iyon lang naman talaga iyong demanding na subject namin. Iyong iba, final exams na lang.

Tapos... graduate na.

Hindi ako nagsalita dahil chine-check ko iyong final list. Ipapasa na 'to mamaya for the approval kasi school pa rin naman iyong gagastos para dito. Subject to reimbursement naman lahat ng nilalabas namin para sa party na 'to.

"Akala ko kasi galit kayo ni Psalm kasi 'di kayo nag-uusap for a few days, e. Always ko naman nalilimutan itanong kasi busy. Good to know that you guys are talking again," she said, smiling. Then she frowned again. Narinig ko pa lang iyong boses, alam ko na kung bakit nag-iba agad iyong mood ni Kitty. "Ugh! Lagi talaga 'yang nandito! Wala bang friends 'yan sa lower batch?!"

Napa-tingin ako sa pinto kahit ayoko. Nakita ko si Psalm na papasok kasama si Kia at si Simon. Lumabas lang iyong dalawa kanina para bumili ng pagkain kasi nagugutom na si Kitty. Pagbalik, may bitbit na naman na Kia.

"Behave," I told Kitty dahil sigurado ako babarahin na naman niya si Kia—reason kung bakit ilang araw din namin 'di nakita si Kia dahil na-offend yata talaga one time ni Kitty.

She scoffed. "Ako pa talaga mag-a-adjust?"

Paglapit nila Psalm, nilagay nila sa table iyong paper bags na dala nila. Tahimik lang ako habang nag-uusap sila. Not that I was in a bad mood, but kahit sinabi na sa akin ni Psalm na magpanggap muna kami na okay, I still didn't know how to do that. My silence was the best thing I could offer—next to my feet not running to the opposite direction at the mere sight of him.

"Wala ba kayong pasok?" naka-taas iyong kilay na tanong ni Kitty kay Kia. Regular classes pa rin kasi si Kia since lower year siya. Kaming seniors lang iyong medyo irregular na iyong sched dahil graduating na. Medyo lenient na sa amin.

Kia timidly shook her head. Ni hindi maka-tingin sa mata ni Kitty.

"Sungit nito," Simon said, pushing a container of food in front of Kitty. "Kain mo na lang 'yan, Katherine."

Kitty glared at Simon, but nonetheless began eating. Nang ibigay iyong pagkain sa akin, tahimik pa rin ako. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila. They were talking about where we'd go after graduation. Hindi kasi kami makaalis ngayon kasi bukod sa busy, based din sa pamahiin, delikado magtravel iyong mga graduating.

"La Union? Surfing tayo!"

My friends agreed in unison. Ako, tahimik lang talaga. Sasama naman ako kahit saan sila pumunta kasi company lang naman nila 'yung mahalaga sa 'kin. They're now assigning kung sino ang in-charge sa kung saan.

"If you'll go sa La Union, we have a house there," Kia said. Napa-tingin kami lahat sa kanya. Mula sa side ko, kitang-kita ko agad iyong pagsama ng tingin ni Kitty. "I mean, you can use it. 'Di naman ako sasama..."

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon