Chapter 55

329K 11.8K 1.3K
                                    

#ABNQ55 Chapter 55

Six years ago...

I must have had cursed pretty loudly dahil hindi lang si Marcus ang napa-tingin sa akin, kung hindi pati iyong ibang tao sa row na iyon. Gusto ko na lang takpan iyong mukha ko sa kahihiyan, pero hindi ko agad nagawa dahil biglang nanahimik iyong buong auditorium.

"Shit, si Dr. Villescas nga!" sabi nung isang babae sa pinaka-dulo ng row.

"Sobrang swerte natin, girl!" sabi naman nung isa. "Shit, wala na namang tulugan 'to!"

Gusto ko sanang magtanong kung sino ba si Dr. Villescas pero hindi ko na nagawa iyon dahil papaakyat na siya sa stage. Mabilis kong inilibot ang mga mata ko. Wala ng ibang vacant seat! Swerte ko naman talaga!

Quickly, I took the vacant seat. Pinilit kong magfocus sa harapan ko kahit na ramdam na ramdam ko iyong katabi ko.

"Bakit ka nandito?" bulong niya sa akin.

Nilabas ko iyong notebook ko. I wasn't doing anything wrong, but this felt so wrong. Nangako ako kay Psalm na wala ng sikreto, na wala ng Marcus... Pero ano ang gagawin ko kung naiipit ako sa sitwasyon?

God, it felt like I was making excuses for myself, but there really was nothing else to do! My other choice was to stand during the lecture!

"Why are you here?" balik na tanong ko sa kanya. Nagsimulang magpakilala iyong professor namin sa Human Anatomy. Pinaliwanag niya iyong mga requirements and course expectation para sa buong school year. I was religiously jotting down notes nang mapansin ko na nasa akin iyong mga mata ni Marcus.

"What?" tanong ko nang bumaling ako sa kanya. I didn't want to sound off as rude, but I... I just didn't want any more trouble. And as much as I wanted him to be my friend, kung pag-aawayan lang namin siya palagi ni Psalm, then I'd just have to accept that I shouldn't have Marcus in my life.

Psalm's my boyfriend—he's my priority. And if being friends with Marcus was hurting him, then I'd do everything to prevent that from happening.

"Akala ko sa St. Claire's ka?" tanong niya.

"Obviously, I'm here," I replied. Kita ko na nagulat siya sa paraan ng pagsagot ko sa kanya. I immediately wanted to say sorry, but I thought that this would be better... I already helped him get into medschool... Tama na siguro 'yun. Panahon na para sarili ko naman iyong isipin ko. And I wanted Psalm in my life—and that would never happen if I'd keep on letting Marcus in.

Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos noon. I tried to ignore him for the whole duration of the lecture. I'd just have to make sure na mas maaga akong papasok next time para sa ibang lugar ako maupo.

"Before the class ends, I need you to look at the people beside you," biglaang sabi ni Dr. Villescas. "They will be your seatmates for the entire school year. Good morning, and I hope you'd enjoy your first year in med school."

Biglang umawang iyong iyong labi ko.

Shit.

Nagsimula nang maglabasan iyong mga tao. I was still too stunned to even move. Iniisip ko na kung ano ang susunod kong gagawin—kung paano ko matatapos iyong taon na 'to ng walang pag-aaway na magaganap sa pagitan namin ni Psalm... Pero paano ko magagawa iyon kung palaging nasa tabi ko si Marcus?

* * *

For the next classes, I made sure na hindi ko katabi si Marcus. Kasi hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag kay Psalm kung magiging seatmate ko si Marcus sa lahat ng subject. Pero anatomy pa rin iyong pinaka-time consuming ko na subject ngayong tao. I was still pretty sure that I'd see more of Marcus than I could possibly want.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now