Chapter 32

391K 18.5K 12.5K
                                    

#ABNQ32 Chapter 32

I spent the whole weekend inside my room. My family didn't ask any questions kahit na ramdam ko na alam nila. They offered their silence as I kept on crying because... hindi ko alam. Siguro kasi nasasayangan ako? Kasi sobrang mali ng timing?

I didn't know how I'd face Psalm now that I know how I feel about him.

Noong hindi ko pa alam na ganito iyong nararamdaman ko para sa kanya, sobrang nasasaktan na ako sa tuwing iniiwasan niya ako... Paano pa kaya ngayon na naamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya?

May mas isasakit pa ba 'yun?

When Monday came, nagulat ako nang pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko. I was staring at nowhere when the door suddenly swung open. Nakita ko si Mama. Alam ko na nakita niya kung paano namamaga pa rin iyong mga mata ko. Pero kahit na ganoon, wala akong nakitang awa sa mga mata niya. She still looked at me like I was just Joey.

"Ma," banggit ko nang maglakad siya palapit sa akin. Nabigla ako nang maupo siya sa kama ko. She looked at me seriously, and I knew she meant business.

"Tapos ka na bang umiyak?" she asked in her no-nonsense tone. Napaawang ang labi ko, hindi alam kung ano ang sasabihin. "Joey, dumaan din ako sa kabataan kaya alam ko 'yang pinagdadaanan mo. Normal lang 'yan. Pero kung anuman 'yang nangyayari, 'wag mong idamay 'yung pag-aaral mo. D'yan ako magagalit talaga sa 'yo."

Nagsimula na namang magtubig iyong mata ko dahil sa sinabi niya.

"Okay lang na iyakan 'yang mga lalaki na 'yan. Okay lang masaktan. Pero 'di okay na pabayaan mo 'yung pag-aaral mo para lang sa lalaki. 'Di na pagmamahal 'yun. Katangahan na 'yun," she calmly said. "Maniwala ka sa 'kin na marami ka pang makikilala na mas sa lahat ng bagay. Pero kung kayo talaga niyang iniiyakan mo, kayo talaga. Pero sa ngayon, umayos ka."

My mother's words were always harsh, but truthful. I knew she meant well, but every word felt like stab in my chest. She was the dose of reality that I needed amidst the ocean of pain I was letting myself drown in.

"Papasok na ko sa trabaho. Maligo ka na at pumasok. 'Di kami nagpapaka-hirap magtrabaho para lang magsayang ka ng tuition," she finally said before going out of the room. Ilang segundo akong naka-titig sa pinto matapos siyang lumabas. Ilang luha pa iyong tumulo mula sa mga mata ko bago ako nagsimulang gumalaw.

Tama naman siya. Okay lang masaktan... pero iyong itigil mo iyong mundo mo para lang 'dun? It's never okay. It will never be okay. Love is supposed to make you a better person, to inspire you to do better... but if it's causing you pain and creating a monster out of you... is it really love?

Jax offered to drive me to school, but I declined his offer. I didn't want anyone to coddle me because it would only make me feel like I couldn't go through this shit alone. Kaya ko naman. Kinaya ko na dati, e.

Pagdating ko sa classroom, agad akong nilapitan ni Kitty. I knew this would happen dahil weekend pa lang e binubugbog niya na ako ng text at tawag—so much so na dahil sa kanya na-deadbatt iyong phone ko. Kaka-charge ko lang kanina. 'Di ko pa nababasa lahat ng dumating na message na sa tingin ko ay kalahati galing kay Kitty.

"Nasaan ka last Friday?!" she asked. Medyo kinurot niya pa ako!

"Aray naman!" sabi ko sa kanya. "Nandun naman ako... maaga lang umuwi," I tried to explain. I wanted to be honest with her because she's my friend, but I really had no idea where I'd start.

She glared at me. "Wag ka ngang sinungaling. May attendance list 'yung mga dumating. Wala ka 'dun."

I bit my lower lip, and looked around. Medyo maaga pa naman. Napaaga kasi iyong alis ko sa bahay dahil sa takot kay Mama. Baka magalit na kasi talaga kapag 'di nga ako absent, late naman. Siya kasi iyong tipo na 'di nagagalit talaga kasi as much as possible, pinapabayaan niya kami ni Jax. Pero kapag nagalit, talagang nakaka-takot. Naalala ko dati napabayaan ni Jax iyong pag-aaral niya dahil na-adik sa pogs nung bata pa. Ayun, sinunog ni Mama sa harap niya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit naging dakilang nerd 'yung kapatid ko. Na-trauma yata kay Mama, e 7 years old pa lang siya nun.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now