Level 29

5.7K 288 43
                                    

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng makarinig ako ng malakas na pagsabog mula sa labas.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at laking gulat ko ng maabutan ang nurse na hindi gumagalaw.

What happened?

Kahit naguguluhan ako ay nilagpasan ko muna ito at lumabas ako para tignan ang nangyayari.

They're fine, right? Ang sabi ni Sue level two lang ang kaharap nila at sa bilang ko, nasa lima lang ang mga 'to.

Napatakip ako sa bibig ng isang nakahandusay na lalaki ang bumungad sa'kin pag labas ko.

Mabilis hinanap ng paningin ko ang tatlo at una kong nakita si Kairo. Nagtama ang paningin namin pero tanging pagkairita lang ang nakita ko dito kaya mabilis akong umiwas ng tingin pero hindi nakatakas sa mata ko ang nangyari sa kanya.

May sugat siya sa braso! Damn it. Sinubukan ko pang hanapin si Sue at Eros pero tanging si Eros lang ang nakita ko, pero halos lumaki ang mata ko ng may isa pang Eros ang lumitaw sa harapan ko,

"You were asked to hide, bakit ka nandito?" Pagalit nitong sabi.

"M-May sugat ka, ayos ka lang?" Nakita kong lumambot ang tingin niya sa'kin.

"Malayo sa bituka, dyan ka lang sa likod ko." Ngayon ay mas kalmado na ito.

Ngayon ko lang napansin na maraming studyante ang tila naestatwa sa kinatatayuan nila, hindi gumagalaw.

"A-Anong nangyayari, bakit hindi sila gumagalaw?" Tanong ko dito.

"Someone stopped the time, only players like us have the ability to move by this time." Sabi nito pagkatapos ay hinarap muli ang isang lalaking may hawak ng baril.

"Shit. Magtago ka muna," Sabi nito at isang Eros pa muli ang lumabas sa katawan niya na nagpalaglag ng panga ko.

"Tara," Mabilis akong hinila ng isang Eros kaya nakabawi ako sa pagkakatulala.

"W-Who are you? Bakit magkamukha kayo?" Malakas itong tumawa na kinaasar ko. Nag tatanong ako ng maayos dito.

"I'm his clone, pero mas gwapo ako." Mayabang nitong saad.

"Cloning, may ganoon bang ability? Bakit walang lumabas sa'kin."

"Malay ko, tanong mo sa gumawa ng game." pamimilosopo nito.

"You're his clone, but you failed to copy his attitude, ang dami mong alam!" Naaasar ko na sabi dito.

"Chill, anong magagawa ko, this was the side of him that I got." natatawang sabi niya.

"Nga pala, what's your ability?" kunot noong tanong nito.

"Mimicry." mahina kong saad. Sa game ko palang 'yon na a-apply, hindi pa sa totoong sitwasyon.

"Cool, but dangerous." he commented.

"Pero walang kwenta, hindi ko kayang gamitin."

"Bakit naman? Madali lang 'yan! Paturo ka kay Eros." He said, smirking.

"What are you doing?" isang malamig na boses ni Kairo ang nag pahinto sa amin.

"Napakamainitin naman ng ulo mo," Sabi ng clone ni Eros.

"Shut up. Where's the real Eros?" Tanong nito na diretso ang titig sa'kin.

"I'm here couz', miss me?" Nakangising sabi nito habang sapo sapo ang kaliwang braso.

Walang tigil ang pag agos nito kaya mabilis ko siyang dinaluhan.

"L-Let me help you," napahinto ito sa sinabi ko pero kinuha ko ang pagkakataong 'yon para daluhan siya.

Bago ko siya alalayan papasok ng clinic ay tinignan ko ang paligid, wala na ang mga lalaking nakaaway nila, bumalik na ang oras at nakapag tataka na tila walang napapansin na kakaiba ang mga studyante kahit ilan sa mga nakakasalubong nila ay sugatan.

"Normal people doesn't know anything about this, don't worry, Sue can control anyone's mind. That's his ability." Sabi nito na tila nabasa ang nasa isip ko.

That's too cool and yet, dangerous. Remind me not to mess up with Sue.

Isasara ko na sana ang pinto ng clinic ng maalala ko ang naiwan sa labas. Mabilis nagtama ang tingin namin dahil naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa'kin. May kung ano sa mata niya na ayokong pangalanan.

"Ugh." Nawala ang tingin ko sa kanya ng dumaing si Eros, sa tensyon na dala ng titig ni Kairo ay hindi ko namalayang humigpit pala ang kapit ko sa kanya.

"Sorry," Sabi ko bago tuluyang tumalikod.

Pero ng makapasok ako sa loob tila bumigat ang damdamin ko.

Pakiramdam ko may mahalagang bagay ako na naiwan, parang may importanteng bagay akong nakalimutan.

×××
This chapter is dedicated to all my friends who's always there for me, I love you.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon