Level 40

4.9K 229 16
                                    

Uwian na at napag usapan na'min na dumaan muna sa mall gaya ng dati, matagal tagal na din kasi simula ng lumabas kaming apat.

Nang makita ko si Eros na palabas ay tipid ko siyang nginitian, kanina kasi ay nagpatulong 'to sa'kin sa thesis niya, nakakatuwa na kahit ganito ay hindi mawawala sa amin ang pagiging studyante, dahil sa huli, eto naman talaga kami, kung sana ay hindi kami sa ganitong dahilan nagkalapit lahat.

Hindi ko alam kung anong iniisip nila pero gaya ko, ni isa sa mga kaibigan ko ay walang nagsalita ng kahit anong bagay na konektado sa Enigma.

Hindi ko alam kung matutuwa o lalo akong malulungkot dahil alam ko, gaya ko, mas pinipilit nilang itago ang takot para hindi kami mag alala sa isa't isa.

Palabas na kami ng classroom nang may isang pamilyar na mukha ang bumungad sa'min.

Isang tao na minsan nang naging parte ng buhay ng bawat isa sa'min..

Ang makita ang malaking pagbabago sa kabuuan niya ay nagbigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam, pag katapos ng ilang taon, ngayon nalang ulit ito nagpakita, isang mapait na ngiti ang lumabas sa'king labi.

"Athena.." bulong ko na mukhang nagpatigil sa tatlo.

"Oh my gosh, Athena, it's really you!" Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa kanya ni Nico ng makabawi sa pagkakatulala.

"Sinorpresa mo kami! H-How are you?" Nauutal na tanong ni Ann.

"Did I?" She said, smirking. Napakunot ang noo ko sa ginawa niyang pag ngisi.

"I'm more than fine," Muling pag ngisi nito. "Anyway, dumaan lang ako dito para makita kayo, aalis na din ako." Ramdam ang pait sa sinabi nito kaya napatingin ako sa kanya, remembering what happened years ago.

"Athena.."

"Oh, hi, Lex!" pagbaling nito sa'kin.

"I know how it feels, trust me. And sorry for not being there." ang ngiti niya ay napalitan ngayon ng ekspresyon na ngayon ko lang nakita mula sa kanya.

"You don't know anything about my pain." mapait niyang sabi.

"You cut your connections with us, it was too late when we knew about it." Seryosong bitaw ni Mystic na ngayon lang nagsalita.

"I managed to handle the pain on my own, saka isa pa, matagal na 'yon. Nakalimutan ko na." Pag kikibit balikat nito na lalong nagpalungkot sa'kin.

I know how it feels to be left alone, pero swerte pa ako na hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko, and for her part, it pains me that she faced everything alone.

"Still, we're sorry. But I'm glad you're back." Nakangiti kong sabi dito.

"I am, too. Ano ba kayo, wala na sa'kin 'yon." Sabi nito ng may ngiti sa labi dahilan kung bakit niyakap ko siya.

"We miss you," Sabay sabay naming sabi saka muli siyang niyakap.

"S-Sama ka sa'min, mag ma-mall kami!" Saad ni Nico.

"Maybe next time, dumaan lang talaga ako dito."

"Are you staying here for good?" tanong ko.

"Oh yes, for good." Madiing sabi nito bago ako nginitian at maya maya ay may kotse nang dumating sa harap kaya agad din itong nagpaalam.

Athena dela Vega, I'm glad she's back, pero bakit ngayon, paano kung madamay siya sa larong ito?

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now