Level 62

3.7K 190 47
                                    

"I thought Eros was here?" Halos maitulak ko si Kairo may magsalita sa likod.

It was Sue, kasunod niya sila Mystic na tila hindi naman naabutan ang nakita ni Sue. Nakakahiya!

"Don't mind him," Bulong sa'kin ni Kairo ng maramdaman ang kaba ko sa titig ni Sue.

"Mukhang ayos na ayos naman ang lagay mo." Nakangising bungad ni Mystic ng makalapit ito sa'kin.

"So ano na ang plano na'tin?" ngayon ay si Kairo naman ang hinarap nito.

"Nasaan yung iba?" Kunot noo kong tanong ng mapansin na wala sila Nico.

"May task ata." Pag kibit balikat ni Mystic na kinabigla ko.

"Gabi na, delikado." Pag aalala ko.

"She's with my brother, there's nothing to worry." Bulong muli sa'kin ni Kairo.

"Now that's more dangerous." Biro ko na ikinakunot ng noo niya.

"What?" He asked, a bit annoyed.

"Mana sayo'yang kapatid mo, baka kung anong gawin sa kaibigan ko." Biro ko dito. Kahit papaano ay pakiramdam ko mas naging komportable ako sa kanya.

"Tsk. Bakit ano ba ako para sayo?" Sabi nito bago ako muling harapin at ilapit ang mukha sa'kin.

"W-Wala." Halos mamula ang buong mukha ko sa ginawa niya, lalo ngayon at ramdam kong nakatingin ang lahat sa amin.

"What's the score between you two?" pang aasar ni Mystic na lalong ikinapula ang mukha ko.

Dahil wala naman, nakakahiya kay Kairo! Wala talagang preno ang isang 'to.

I almost sighed in relief when my phone vibrated.

×××

Congratulations!

You successfully finished your bonus task.

●Proceed as Level 2

. . . .

This game is still creeping me out, hindi ko alam kung matutuwa ba ako na alam nito na nagkaayos na kami ni Kairo o lalong matatakot kasi base dito, totoong alam ng creator ng game ang bawat galaw namin, and I guess that is more dangerous and scarier than before.

"Level 2 huh?" Mabilis kong iniwas ang telepono ko ng makitang nakatingin dito si Kairo, ayoko namang makita niya na siya ang huli kong misyon, baka kung ano pa ang isipin niya.

"Be careful, don't trust the game itself. Lalo na at wala ka pang alam sa totoong rason kung bakit nabuo ang larong ito." Seryoso nito sabi niya sa'kin na nagpahinto sa'kin.

"W-What?" Tipid lang ito na umiling na tila ba sinasabi na hindi pa ito ang tamang oras para malaman ko ang lahat.

Ano ba talagang nangyayari, bakit parang lahat sila ay may alam na tungkol dito. Bakit pakiramdam ko bawat isa ay may tinatago sa'kin?

×××
Medyo short update. Sorry eto muna wala kasi akong tulog kagabi kaya napipikit na talaga ako, pinilit ko lang mapost 'to para sa inyo. Hope you understand. Love youuu.

Bawi ako bukas💖😚

May I know kung sino ang team Kairo at Eros dito? taas paa ng kay Eros, taas kili kili pag kay Kairo. 😂😂😂😂

May Karius pa nga e, paano nalang ni Sue? 😂

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon