Level 30

5.4K 292 75
                                    

Pag katapos kong gamutin ang sugat ni Eros na clinic ay agad akong bumalik sa kwarto ni Mystic upang tignan kung ayos na siya, pero laking gulat ko nang makita kong wala na siya sa higaan niya.

Mabilis akong lumabas ng clinic para hanapin siya, hindi alintana ang pag tawag ni Eros sa'kin.

Sa kalagitnaan ng takbo ko ay may isang kamay ang humila sa'kin.

"K-Kairo, bitawan mo ko, si Mystic! Kailangan kong hanapin." Desperada kong saad dito.

"Umuwi na siya. Tara, iuuwi na kita." Malamig nitong sabi bago ako tuluyang hilahin.

"Bakit siya umuwi? Delikado! Bakit hindi niya ako hinintay?" ngayon ay nagawa ko nang sumigaw.

"Bakit, ano bang magagawa mo? You can't even protect yourself." Parang tinamaan ako sa sinabi niya kaya natahimik ako.

Tama siya, tama nanaman siya. Pero bakit pag sa kanya galing, mas masakit malaman yung totoo?

Dahil sa panlalambot ko sa sinabi niya, nagpadala ako sa pag hila niya. Ayoko na makipag talo, alam ko namang siya ang mananalo.

Napuno ng katahimikan ang sasakyan, tanging tunog ng makina at busina sa paligid ang tanging maririnig sa loob ng kotse.

Hindi ko na inabalang mag tanong o mag salita pa, ganoon din siya na tingin ko ay mas maganda dahil ayoko na muna siyang kausapin.

Ang hindi ko lang maisip ay bakit umalis bigla si Mystic. Bakit hindi niya ako hinintay, iniiwasan niya ba ako?

Ano bang nangyayari.

Isang sulyap ang ginawa ko sa kanya, hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa manibela.

Hindi nakatakas sakin ang pag tagos ng dugo mula sa suot nito.

Oh right, may sugat siya kanina! Hindi ko na naalala dahil itinago niya ito sa isang makapal na leather jacket na ngayon ay suot-suot niya.

Naramdaman ko ang paninigas niya ng hawakan ko ang kamay niyang nasa manibela.

"What are you doing?!" Pagalit niyang tanong ng makabawi at iniwas ang kamay.

"You're bleeding. Bakit hindi mo sinabi? Pwede namang ako ang magmaneho." Kalmado kong sabi dito.

"Tss. I can handdle myself."

"Oh yes you can, pero sa kakaganyan mo mauubusan ka ng dugo." I said, a bit annoyed.

Nakakaasar. Ako na yung concern siya pa yung galit. Kung hindi lang walang patid ang pag tulo nito ay hahayaan ko na pero sa nakita ko kanina, ang laki ng sugat niya at ang isipin na kanina pa ito nag dudugo ay nagpapakaba sa'kin.

Hindi na siya nagsalita kaya pinilit ko nalang din tumahimik kahit nag aalala ako sa pagdudugo nito.

"Paano ko sasabihin kung may hawak ka nang iba."

Mahina niyang bulong na nagpalaglag ng panga ko. Damn it, Kairo.

Paanong kaya mong painitin ang dugo ko at pabilisin ang tibok ng puso ko pag katapos?

This. Fucking.  Fast.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon